Hindi madali ang pinagdaraanan ng mga artista bago sumikat. Kailangan nilang dumaan sa butas ng karayom para lamang magkaroon ng lugar sa limelight. Ngunit sa kasamaang palad, may mga producers na ginagamit ang sitwasyon na ito upang pagsamantalahan ang ibang aspiring artists. Maging ang international singer na si Lady Gaga ay hindi nakaligtas dito.
Kamakailan lang, nag-open up ang singer tungkol sa masalimuot na dinanas niya noong 2005. Sa kanyang interview kasama si Oprah Winfrey, ibinunyag ni Lady Gaga na pinagsamantalahan siya ng isang producer noong 19-anyos pa lamang siya. Nagbanta di umano ito na susunugin ang mga records niya kung hindi siya susunod.

Read More: GMA, Willing nga bang Pagbigyan ng Blocktime Arrangement ang Rival Network na ABS-CBN?
Ang masaklap pa dito, nagbunga ang pananamantalang ginawa sa kanya ng producer. Kinailangan rin daw niyang sumailalim sa surgery upang malampasan iyon.
Ayon kay Lady Gaga, ngayong lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ito at magsalita tungkol sa kanyang karanasan.
“I realized that it was the same pain that I felt when the person who raped me dropped me off pregnant on a corner by my parents’ house because I was vomiting and sick because I’d been abused. I don’t tell this story for my own self-service. I’ve been through it and people need help,” dagdag pa ng singer.

Ilang taon ring ininda ni Lady Gaga ang epekto ng abusong naranasan niya. Labis na naapektuhan ang kanyang mental health, at ayon sa singer, ilang taon rin siyang nag-cope up sa epekto nila. Mas pinili niya ring wag na pangalanan ang producer na gumawa sa kanya nito.
“I’ve had so many MRIs and scans. They don’t find nothing, but your body remembers. I couldn’t feel anything. I disassociated. It’s like your brain goes offline. You don’t know why no one else is panicking, but you are in an ultra state of paranoia. I do not ever want to face that person again.”
Sa kabilang banda, maraming fans naman ang nagpahayag ng kanilang suporta sa singer. Hindi lang si Lady Gaga ang unang nagsiwalat ng mga ganitong pangyayari. Maging ang singer na si Kesha ay nag open up rin tungkol sa parehong karanasan niya.

Read Also: Dating Kakilala ni Nadine Lustre, Ibinuking ang ‘Side Hustle’ Nito Bago Sumikat sa Showbiz!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment