Batang Nag-Aagaw Buhay, Binulungan ang Nanay Niya na Hihintayin Niya Ito sa Langit

Para sa isang ina, wala na sigurong mas sasakit pa ang mawalay sa iyong anak. Talagang nakakadurog ng puso lalo pa’t pag nakikita mo ang iyong anak na nahihirapan. Kaya naman maraming saludo sa mga magulang na patuloy nag-aalaga sa kanilang anak na humaharap sa matinding karamdaman. Gaya na lamang ng mag-asawang ito mula sa United States.

Tatlong taong gulang lamang si Nolan Scully nang ma-diagnose ito ng matinding karamdaman na Rhabdomyosarcoma (RMS). Ayon sa nanay nito na si Ruth, naging matatag ang kanyang anak sa kabila ng matinding karamdaman na dinanas nito. Labis rin ang lungkot at hinagpis nilang mag-asawa tuwing nakikita nilang nahihirapan ang kanilang anak.

Read More: WATCH: Sundalo, Sinorpresa ang Nanay Niyang Isang Taon Rin Niyang Hindi Nakita

Pangarap raw ni Nolan na maging isang bumbero, gaya na lamang ng kanyang ama. Sa kasamaang palad, mas lalong lumala ang kanyang karamdaman. Isang araw, kinausap ng doktor ang kanyang mga magulang at ibinuking na kumalat na ito sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Dagdag pa nito, hindi na kayang isalba ng treatment ang buhay ni Nolan.

Sa kabila ng iniindang karamdaman ni Nolan, patuloy pa rin siyang lumalaban para sa kanyang pamilya. Sa kanyang mga huling sandali, maraming tao rin ang na-inspire kay Nolan. Hindi rin daw makakalimutan ng kanyang ina ang sinabi nito sa kanya bago ito tuluyang pumanaw noong 2017.

Ayon kay Ruth, matapos niyang sabihin kay Nolan na maaari na siyang magpahinga, nagulat siya sa naging tugon nito! Ayon kay Nolan, hihintayin niya ang kanyang nanay sa langit. Ito ang labis na nagpaluha kay Ruth.

“I ran and jumped into bed with him and put my hand on the right side of his face. Then a miracle that I will never forget happened. My angel took a breath, opened his eyes, smiled at me and said, ‘I love you mommy,'” dagdag pa nito.

Maraming tao ang dumalo sa libing ng little fighter na ito. Nagkaroon rin sila ng procession mula sa Hollywood Volunteer Fire Department. Ayon sa mga magulang ni Nolan, kahit pa wala na ito ay mananatili pa rin siyang buhay sa puso ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Read Also: Single Dad na Nakapagpundar ng Bahay at Kotse, Naghahanap ng “Ilaw ng Tahanan” na Magpapasaya sa Kanya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment