Sa panahon ngayon, unti-unti ng nauuso ang mga electric cars. Bukod sa mas mabuti ito para sa kalikasan, mas tipid rin ito dahil hindi na gumagamit ng gasolina. Ngunit hindi rin maipagkakaila na mahal ang mga electric cars. Kamakailan lang, pinatunayan ng binatang ito mula sa South Africa na kaya niyang makaimbento ng solar car!
Kahit pa kapos sa pera, hindi ito naging hadlang kay Emmanuel Mansarat para abutin ang matagal na niyang pinapangarap.
Isa siyang college student sa Fourah Bay College sa University of Sierra Leone. Ayon kay Emmanuel, tinuruan niya rin ang sarili niyang maging engineer at inventor. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na si Emmanuel ang nakagawa ng kauna-unahang solar car mula sa mga basura.


Read More: Silipin ang Sosyal na Celebrity Van ni Ivana na Inabot ng Mahigit Kalahating Milyon!
Tubong Sierra Leone ang 24-anyos na binatang ito. Kahit pa salat siya sa pera, mayaman naman siya sa imahinasyon.
Isang araw, naisipan ni Emmanuel na gumawa ng sasakyan na hindi na kailangang gumamit ng gas o diesel. At dahil wala siyang budget, nagpunta siya sa mga dump sites upang maghanap ng kapakipakinabang na gamit.
Tinagurian niyang “Imagination Car” ang kanyang solar car. Hindi nito kailangan ng gas, at tumatakbo ito sa pamamagitan ng solar power. Proud na proud rin si Emmanuel sa kanyang invention, dahil ito ang kauna-unahang solar car sa Africa.


“Having a solar car like my ‘Imagination Car’ using solar power for transportation will make for a cleaner atmosphere, thereby reducing the risk of dangerous gaseous emissions that have led to the death of thousands of people around the world,” pahayag ni Emmanuel sa kanyang interview.
Ayon kay Emmanuel, nais niyang maipalaganap ang solar car na ito sa iba pang bahagi ng mundo. Magandang solusyon rin ito sa lumalalang climate change, dahil wala itong emmisions hindi katulad ng mga sasakyang tumatakbo gamit ang diesel.
Read More: “Kaya ko ng ipaglaban sarili ko!”- Jelai, May Matapang na Mensahe sa mga Taong Nanakit sa Kanya

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment