Nakagisnan na nating mga Pinoy na ituring na matalino ang mga magagaling mag-English. Kadalasan, ito rin ang nagiging basehan ng katalinuhan pagdating sa mga schools, kahit pa hindi naman ito nararapat. May mga tao ring mahilig manghusga sa iba base lamang sa kakayahan nilang mag-English.
Isa sa mga nakaranas ng panghuhusgang ito ay ang aktor na si Jericho Rosales. Sa kanyang nagdaang interview sa Philippine Entertainment Portal, ibinahagi ni Jericho na hindi siya masyadong magaling pagdating sa English language.

Read More: “Bukas ang aking tahanan”- Pokwang, Nag-Offer na Patuluyin sa Kanyang Mansyon si Miss Myanmar
Ayon kay Echo, naranasan na rin niyang makutya ng ibang tao dahil sinusubukan niyang mang-English. Hindi niya mapigilang masaktan, ngunit imbes na magmukmok ay hinamon na lang niya ang sarili niya na mag-practice pa at ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.
“Even before, people were laughing at me, ‘English nang English si Jericho,’ ‘English nang English mukha namang ganito or ganyan.’ It hurt. But I was like, ‘How can I learn, no one’s gonna teach me?’ Di ba? No one’s gonna take time to teach me so I said, ‘I’m gonna keep watching movies, I’m gonna keep up with these accents, I’m gonna try.”

Sa ngayon ay talagang mahusay na rin si Jericho pagdating sa kanyang English skills, ngunit hindi raw siya nagdadalawang isip na magtanong sa ibang tao.
Sa katunayan, laging handang tumulong ang kanyang asawa na si Kim Jones tuwing may mga bagay na itinatanong si Jericho dito.
“‘What’s the meaning of this? Anong salita ito sa Ingles? Anong ibig sabihin niyan, hindi ko po maintindihan?’ Even now, I still ask Kim, ‘Kim, what does this word mean?’ She doesn’t get tired of answering me, even though Google is just there,” pahayag ng matinee idol sa kanyang interview.
Read More: Hunk Actors na Naranasang Magtrabaho sa Fast Food Bago Sumikat sa Showbiz!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment