Julia Barretto, Huli sa Kamera na Kumakain ng Isaw Matapos Magpanggap na Hindi pa Nakakatikim Nito sa Harap ni Gerald

Kamakailan alng, nag-viral sa social media ang panibagong vlog ng celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Sa kanilang vlog, lumabas rin ang mga romantic at intimate moments ng dalawa. Sa isang bahagi nito, pinatikim rin ni Gerald ng isaw si Julia dahil ayon kay Julia, hindi pa siya nakakakain ng isaw.

Ayon sa 24-anyos na aktres, hindi siya kumakain ng streetfoods kaya naman curious na curious siya sa lasa ng isaw.

Natatawa naman si Gerald, at tila ba hindi ito makapaniwala na hindi pa nakakatikim ng isaw ang kanyang girlfriend. Kaya naman mas lalo nitong inudyukan si Julia na kumain ng isaw upang matikman niya ito sa kauna-unahang pagkakataon.

Read More: Catriona Gray, Bakit nga ba Hindi Kasamang Mag-Celebrate ng 37th Birthday ni Sam Milby?

Agad namang nag-viral ang kanilang vlog, at noong una ay maraming na-cutean sa kanila. Ngunit ilang araw ang makalipas, may mga netizens na pinabulaanan ang sinabi ni Julia na hindi ito kumakain ng isaw. Kumalat sa social media ang video at larawan ng aktres na kumakain ng isaw.

Sa mga larawan, makikita na hindi totoo ang sinabi ni Julia na hindi pa siya nakakatikim ng isaw. Sa katunayan, ilang beses na siyang nakakain nito, at ang pruweba ay ang gma videos at photos na nagpapakitang kumakain siya nito.

Sa kabilang banda, may mga netizens rin na nag-komento tungkol sa di umano’y pagiging dishonet ni Julia. Giit nila na ‘red flag’ ito para kay Gerald Anderson.

Ayon sa iba, kung sa umpisa pa lang ay nagsisinungaling na si Julia tungkol sa mga maliliit na bagay, hindi malabong mauulit ito. Silipin ang komento ng mga netizens dito:

“I wouldn’t want to be with someone who pretends she’s someone else just to fit my taste.”

“Julia the ultimate truth teller reveals its ugly head. How true these words. When someone becomes good at covering up.”

“Be with someone who you can be real with. Di bale na magkunwari sa publiko pero sana man lang kahit sa dyowa na lang nya magpakatotoo sya.”

Read Also: Komedyanteng si Bearwin Meily, Emosyonal na Ibinahagi ang mga Pinagdaraanan Niya Ngayon

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment