Palapait na ng palapit ang summer, at paniguradong maraming tao na naman ang magpupuntahan sa beach upang mag-relax. Ngayong summer, mayroon ka na bang fitspiration? Karamihan sa atin ay nagwo-work out at nagda-diet na upang makamit ang ating body goals. At para ma-achieve ito, mayroon tayong tinatawag na fitspiration.
Ang fitspiration, o fitness inspiration, ay nagsisilbing motivator natin upang makamit ang ating dream body. Para sa karamihan, mabisang fitspiration ang mga celebrities na madalas magbahagi ng kanilang workout routine online. Ngunit mayroon rin namang iba ang fitspiration!

Read More: Julia Barreto, Prinangka ang Tatay na si Dennis Kung Ilan ang Naging Asawa Nito
Gaya na lamang ng dalagitang ito. Matagal na ring sinusubukan ni Jelaine de Jesus na magbawas ng timbang, ngunit nahihirapan siyang makamit ito. Dahil dito, nagpasya ang ama niya na tulungan siya upang mas ma-inspire siya lalo na ma-achieve ang kanyang dream goal.
Ibinahagi rin ni Jelaine ang ginawa ng kanyang tatay upang mas lalo siyang ma-motivate sa pagpapapayat. Bibigyan siya ng kanyang tatay ng gantimpala na P10,000 kapag nabawasan siya ng timbang. Ang kasalukuyang timbang niya ay 69 kilos. At napagkasunduan nila ng tatay niya na dapat ay maabot niya ang 50 kilos sa loob ng limang buwan.


Upang hindi sila maka-atras sa kanilang usapan, gumawa rin sila ng kasunduan! Pinirmahan ito ni Jelaine at ng kanyang ama. Upang mas lalo itong official, mayroon ring isang third party witness na nakasaksi sa kanilang kasunduan.
Ayon kay Jelaine, mas lalo siyang na-inspire na magpapayat dahil sa reward na ito ng kanyang ama. Hinangaan rin ng mga netizens ang pagiging mautak ng kanyang tatay. Ayon pa sa iba, susubukan rin nila ang ganitong klaseng modus sa kanilang mga anak.

Read More: Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment