Ayon sa isang pag-aaral, sa kalagitnaan ng pandemic, malaki ang naitutulong ng kapaligiran upang ma-boost ang iyong mood. Nalaman rin ng mga eksperto na ang mga taong nakatira malapit sa mga garden o parks ay mayroong mas maayos na mental health state. Kaya naman kahit nasa bahay lang, importanteng paligiran natin ang ating sarili ng mga halaman.
Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit mas dumarami ang mga plantito at plantita sa panahon ngayon. Bukod sa mas nagiging maaliwalas ang bahay, nakakatulong rin ang mga halaman at bulaklak na mag-improve ng mood ng mga tao. Gaya na lamang ng celebrity mom na si Cheska Garcia.

Read More: “Tiis Ganda”- Babaeng Nagpakabit ng Eyelash Extension, Muntik ng Mabulag Matapos Mamaga ang Mata!
Isa si Cheska sa mga proud plantita of social media. Mahilig itong mangolekta ng iba’t-ibang house plants at bulaklak.
Sa katunayan, ang garden nila Cheska at asawa nitong si Doug Kramer ay hitik sa mga iba’t-ibang klaseng halaman! Siguradong mapapa-“sana all” kayo sa napakagandang garden nila.
Sa Instagram, ibinahagi ni Cheska ang kinalabasan ng kanilang mala-park na garden. Ayon kay Cheska, mahigit isang linggo rin siyang nag-focus upang mapaganda ang kanilang garden. Ngunit worth it naman ang kanyang hirap at sakripisyo dahil tuwang tuwa siya sa kinalabasan nito.


“A lovely evening to all! [red heart emoji] Been working on our garden for a week now and I am pretty happy with how it’s turned out. Small joys are big wins especially during this time,” pahayag ni Cheska sa Instagram.
Sa kabilang banda, maraming fans naman ang talagang napahanga sa napakagandang garden ni Cheska. Mukhang hindi rin biro ang ginastos nito, at hindi na nakakapagtaka kung nag-hire rin si Cheska ng isang professional landscaper para dito.
Read More: “Bimby is not gay”- James Yap, Nag-React sa Bali-Balitang Kumakalat Tungkol sa Anak na si Bimby


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment