Hunk Actors na Naranasang Magtrabaho sa Fast Food Bago Sumikat sa Showbiz!

Hindi madali ang pagsabak sa industriya ng showbiz. Sa katunayan, karamihan sa ating mga paboritong artista ay dumaan muna sa butas ng karayom bago makamit ang tinatamasa nilang kasikatana. Kabilang na sa kanila ang mga Pinoy male celebrities na ito, na galing rin sa kahirapan bago nagkaroon ng matagumpay na career.

Silipin natin ang limang male celebrities na dating nagtrabaho muna sa mga fast food chains bago maging artista.

1. Piolo Pascual

Si Piolo ang isa sa mga pinakasikat na matinee idol ng Kapamilya network. Ngunit bago siya maging matagumpay na artista, alam niyo bang nakaranas rin siya ng hirap dati? Bago siya madiscover bilang artista, nagtrabaho si Piolo bilang waiter noong high school pa lamang siya.

Read Also: Naantala ang Date na Ito Matapos Itapon ng Waiter ang Inumin ng Babae! Ngunit Ito Pala ang Totoong Dahilan Niya

2. Jericho Rosales

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan ni Jericho Rosales bago siya mag-artista. Bago pa man siya makilala bilang Mr. Pogi, si Jericho ay kumikita sa pagiging fish vendor at crew ng isang fast food chain.

3. Coco Martin

Alam niyo ba na dating overseas Filipino worker sa Canada si Coco Martin? Bukod pa riyan, naranasan niya ring maging crew sa Max’s Restaurant sa Fairview noong 2001. Talagang napakalayo na ng narating ni Coco sa buhay ngayon!

4. Jak Roberto

Hindi ikinakahiya ng Kapuso actor ang mga hirap na pinagdaanan niya noon sa kanyang buhay. Sa murang edad, natuto na siyang magbanat ng buto. Naranasan rin ni Jak na magtrabaho sa sementeryo at maging crew sa isang fast food chain bago siya sumabak sa showbiz.

5. Ronnie Liang

Sa kanyang panayam sa PEP, ibinahagi ni Ronnie na dati siyang crew ng McDonald’s. Noong mga panahong iyon, mababa lamang daw ang kanyang sweldo, pero tiniis niya ito para kumita sa marangal na paraan.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment