"Bukas ang aking tahanan"- Pokwang, Nag-Offer na Patuluyin sa Kanyang Mansyon si Miss Myanmar

Sa nagdaang 69th Miss Universe pageant, maraming kandidata ang talagang tumatak sa puso ng mga fans sa buong mundo. Bukod sa Philippines representative na si Rabiya Mateo, naging agaw pansin rin sa Miss Universe competition ang brave and beautiful na representative ng Myanmar na si Thuzar Wint Lwin.

Si Miss Myanmar ang nagwagi ng best in National Costume. Ngunit sa pagbabalik niya sa kanyang bansa, may nakaabang na arrest warrant para sa beauty queen. Sa isang interview, ibinahagi niya na tumakas lamang siya mula sa military junta upang makasali sa Miss Universe. Aniya, ayaw siyang pasalihin nito dahil natatakot silang ibunyag niya ang pangyayari ngayon sa Myanmar.

Read More: Hunk Actors na Naranasang Magtrabaho sa Fast Food Bago Sumikat sa Showbiz!

Dahil dito, maraming fans ang nag-aalala sa kalagayan ngayon ni Miss Myanmar. Ngayong tapos na ang pageant, didiretso na ba ito sa kanyang bansa kahit pa anong oras ay maaari siyang arestuhin? Dahil dito, nagpahayag naman ang Kapamilya comedian na si Pokwang ng isang positibong mensahe para sa kandidata.

Sa Twitter, ipinahayag ni Pokwang na bukas ang kanyang tahanan para sa beauty queen. Papatikimin niya rin daw ito ng kanyang mga signature dishes gaya na lamang ng roasted chicken at laing.

“Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar. Halika muna sa aking bahay, papakainin kita ng roasted chicken at laing ni mamang,” pahayag ng komedyante.

Sa kabilang banda, labis labis rin ang pasasalamat ni Miss Myanmar sa kanyang supporters mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ayon pa dito, masaya siya dahil naipahayag niya ang totoong kalagayan ng kanyang mga kababayan ngayon.

“I’m blessed and thrilled that we made it together all the way today. I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got. And thank you so so Much to those who voted for Best National Costume. It’s more than a costume. It’s a message, spirit and solidarity. Be safe and God bless you all!”

Read Also: Lalaki, Tinaguriang “World’s Most Flexible Man” Dahil sa Natatanging Talento Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment