Karamihan sa atin ay nangangarap na tumira sa tahimik at payapang lugar na malayo sa mga ingay at gulo. Talagang masarap nga namang manirahan sa isang lugar na alam mong ligtas ka at ang iyong pamilya. Dahil dito, marami ang nagnanais na lumipat sa probinsya, kung saan mas konti ang mga tao at mas simple ang pamumuhay.
Ngunit kakayanin mo bang manirahan sa isang tahimik na lugar ng ikaw lang mag isa? Sa loob ng maraming taon, ito na ang naging pamumuhay ng 87-anyos na si Elsie Eiler.
Nagtala siya ng world record dahil si Elsie lamang ang nag-iisang residente ng Monowi, Boyd County, na matatagpuan sa Nebraska.

Read More: OFW sa Dubai, Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Pandemic Wedding na Hindi Ginastusan ng Malaki!
Taong 2004 nang tuluyang mamaalam ang asawa ni Elsie na si Rudy. Magmula noon, siya na lamang mag-isa ang nakatira sa bayan ng Monowi. Sa kabila ng kanyang edad, malakas pa rin si Elsie.
Sa katunayan, inamin ni Elsie na hind rin madali ang kanyang pamumuhay, dahil napakarami niyang kailangang gawin.
Bilang nag-iisang residente ng Monowi, si Elsie rin ang tumatayong mayor nito. Lagi raw siyang may inaasikasong papeles para sa pondo ng tubig, kuryente, at road repairs. Bukod pa dito, siya rin mismo ang nagpa-file ng tax at nangongolekta nito. May-ari din siya ng Monowi Tavern restaurant and bar.


Bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic sa US, aminado si Elsie na marmaing turista ang bumibisita sa kanya. Ngunit nang magsimula na ang lockdown, kadalasan ay mag isa na lamang siya. Hindi rin problema ang social distancing, dahil wala namang ibang taong nakakasalamuha si Elsie.
Sa ngayon ay excited na rin si Elsie na muling buksan ang kanyang tavern. Ayon dito, maraming turista ang dinadayo ang kanyang restaurant. Sa katunayan, ang kanyang guestbook ay kumpleto ng mga turista mula sa 50 US states at 60 na iba’t-ibang bansa.
Read More: Kilalanin ang mga Artistahing Anak ni Ina Raymundo: Sino Kaya sa Kanila ang Papasok sa Showbiz?


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment