Karamihan sa mga kababaihan ay dumaranas ng buwanang dalaw. Ngunit alam niyo ba na may mga kalalakihan rin na maaaring makaranas nito? Isa na sa kanila ang lalaking ito, na simula pagkabata ay mayroong buwanang dalaw! Kaya naman lumapit siya sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” upang idulog ang kanyang problema.
Si Noel, 29 taong gulang, ay mula sa Bongabong, Oriental Mindoro. Sa kanyang panayam, ibinahagi ni Noel na dose anyos pa lamang siya nang magsimula ang kanyang buwanang dalaw. Noong mga panahong iyon, nagtatagal rin daw ng isang linggo ang kanyang regla, at sumasakit rin ang kanyang puson.


Read Also: Batikang Singer, Muntik na Mag-Cardiac Arrest Dahil sa Iniindang Matinding Karamdaman
Ngunit dahil alam niya na hindi ito normal, mas pinili ni Noel na itago na lamang ito sa kanyang mga pamilya at mga kaibigan.
Sa loob ng ilang taon, tahimik niyang ininda ang kanyang kalagayan. Siya rin mismo ang bumibili ng kanyang napkin o diaper at hindi niya ito pinapaalam sa mga tao sa paligid niya dahil natatakot siyang makutya.
Matapos grumaduate sa high school, nagtrabaho si Noel bilang isang service crew. Dumating sa punto na nalaman ng kanyang mga katrabaho ang kondisyon niya.
Dito na napagdesisyunan ni Noel na ipaalam sa kanyang pamilya ang totoong kalagayan niya, kaya naman nag-resign siya sa kanyang trabaho at umuwi sa kanila.

Base sa diagnosis ng doktor, nangyayari talaga ang male menstruation ngunit isang rare condition ito. Maaari daw itong mangyari kung obese o di kaya’y may hormonal obese ang lalaki.
Ngunit sa kaso ni Noel, napag-alaman nila na hermaphrodite ito, kung saan mayroon siyang male and female reproductive organs.
“Meron siyang endometrial cavity. Doon nangagaling yung regla buwan-buwan. Confirmed sa ultrasound na may matres siya. It’s a rare case. May ovary siya na pambabae and testes na panlalaki. Mas maaapektuhan siya kung tatanggalin psychologically kasi ang problemang pandurugo, kinakahiya niya,” dagdag pa ng doktor.

Read More: Ethel Booba, Ipinasilip ang Napakagandang Resort na Katas ng Paghihirap Niya sa Showbiz
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment