Mahigit isang taon na rin simula nang tuluyang nawala sa ere ang ABS-CBN. May 5, 2020 nang tuluyang ipasara ng National Telecommunications Commission ang Kapamilya network dahil di umano sa expired na prangkisa nito. Nang magsara ang ABS-CBN, mahigit sampung libong employees ang nawalan ng trabaho. Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung kailan babalik on air ang network.
Upang mapanatili ang kanilang mga programa, umaasa ngayon sa ibang networks ang ABS-CBN. Karamihan sa kanilang mga talent ay pansamantalang nagtrabaho rin sa ibang rival networks upang magkaroon ng pagkakakitaan ngayong pandemic. Nagkaroon din ng kasunduan ang A2Z Channel 11 at TV 5 na i-air ang ibang palabas ng Kapamilya network.

Read More: WATCH: Sundalo, Sinorpresa ang Nanay Niyang Isang Taon Rin Niyang Hindi Nakita
Ngunit ready na ba ang GMA 7 na magkaroon ng blocktime arrangement kasama ang ABS-CBN? Noong nakaraang Pebrero 2021, inanunsyo ng GMA ang launching ng kanilang pangalawang channel na Gtv. Ayon sa kanila, ang bagong channel na ito ay hindi lamang exclusive para sa mga Kapuso artists.
Sa press conference, isang stockholder ang nagtanong kay chairman and CEO Felipe L. Gozon kung may tsansa nga bang magkaroon ng blocktime arrangement ang GMA at ABS-CBN.
Nilinaw ni Gozon na kahit pa open sila sa ibang Kapamilya stars, hindi ito nangangahulugan na mayroong blocktime arrangement sa pagitan ng dalawang network.

Dagdag pa niya, wala naman daw offer o proposal mula sa magkabilang panig, kaya hanggang ngayon ay hindi pa nila kino-consider ito. Sa kabilang banda, hindi naman daw nila tuluyang isinasantabi ang oportunidad na ito, at pag-aaralan nila ito nang maigi sa hinaharap.
“Being open for ABS artists has nothing to do with being open to a blocktime arrangement with ABS-CBN. But the situation right now is that there is no talk, there is no proposal, there is nothing to consider, but we are not closing the door. Every proposal that will come to our way will be seriously evaluated.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment