Talagang hindi mapapantayan ang kabutihang loob ng aktres na si Angel Locsin. Bukod sa pagiging magaling na artista, isa rin siyang pilantropo na laging nag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan. Ayon nga sa ibang fans, literal na ‘Anghel’ si Angel dahil sa pagtulong niya sa kanyang kapwa ng walang hinihinging kapalit.
Kamakailan lang, namataan ang aktres na muling tumulong sa isang lalaking nakaharap niya sa ospital. Sa mga kumakalat na larawan, makikitang nag-abot si Angel ng tulong pinansyal sa isang lalaki na nag-aabang sa ospital. Ayon sa mga saksi, umiiyak ang lalaking ito dhail wala siyang perang pampagamot sa kanyang anak.


Read More: Maui Taylor, Nag-Viral Matapos Sagutin ang Lalaking Nambastos sa Kanya Online!
Narinig di umano ng 34-anyos na aktres ang iyak ni Tatay. Agad naman itong lumapit sa kanya at kinausap siya. Maya maya pa, dumukot si Angel sa kanyang bag at nag-abot ng pera kay Tatay. Labis naman ang pagkagulat ng lalaki, at napatulala na lamang ito dahil sa kabaitang pinakita sa kanya ng aktres.
Maraming netizens ang humanga kay Angel, dahil kahit may camera man o wala, bukal sa loob nito ang pagtulong sa kapwa. Ngunit paminsan-minsan, humaharap rin si Angel sa pagsubok dahil sa kanyang pagtulong. Kagaya na lamang nang kinahinatnan ng inorganize nitong community pantry.

Noong nakaraang buwan lamang, matatandaang may malaking kontrobersya na hinarap ang Kapamilya aktres. Sa unang araw ng pagbubukas ng community pantry ni Angel sa Brgy. Holy Spirit, nagkaroon ng trahedya.
Isang matandang lalaki na nakapila ang inatake sa puso, at kalauna’y binawian ng buhay. Agad namang inako ni Angel ang responsibilidad dahil sa pangyayaring ito.
“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this. I am very sorry,” pahayag ni Angel.

Read Also: Batang Siyam na Taong Gulang, Nagta-Trabaho Bilang Mascot Para Makatulong sa Kanyang Pamilya
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment