Parte na ng buhay mag-asawa ang pagkakaroon ng mga di-pagkakaintindihan. Sa harap ng problema, dito rin masusubok ang pagmamahalan at katatagan ng mag-asawa. Matapos nilang malampasan ang mga pasubok na ito, paniguradong mas magiging matatag ang kanilang pagsasama. Ganito rin ang nangyari sa celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Nitong Pebrero, umugong ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa matapos i-delete ni Kylie ang lahat ng photos ni Aljur sa kanyang Instagram account, Bukod pa dito, mas lalong naintriga ang mga netizens nang mag-post ng cryptic na mensahe si Kylie tungkol sa pagsasama nila ng kanyang mister na si Aljur.


Read More: Catriona Gray, Bakit nga ba Hindi Kasamang Mag-Celebrate ng 37th Birthday ni Sam Milby?
Dahil dito, maraming fans ang napaisip kung hiwalay na nga ba ang dalawa. Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo, muling nag-post si Kylie ng larawan ni Aljur at ng kanyang mga anak.
Kung ano man ang matinding pagsubok na pinagdaanan nila noong mga panahong iyon, mukhang nalampasan rin nila ito ng magkasama.
Sa kanyang nakaraang press conference para sa pelikulang “Nerisa,” tinanong rin si Aljur tungkol sa naging problema nila ni Kylie noong Pebrero.

Mas minabuti naman ng aktor na wag na masyadong mag-dive sa mga detalye, dahil nais raw nila na magkaroon ng privacy. Ayon kay Aljur, na-‘mismanaged’ lamang nila ang problema.
“It was mismanaged. Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mismanaged namin,” ayon kay Aljur. Bukod pa dito, hindi na siya nagsalita tungkol sa problema nilang mag-asawa bilang pagrespeto na lang rin kay Kylie.
Read Also: Komedyanteng si Bearwin Meily, Emosyonal na Ibinahagi ang mga Pinagdaraanan Niya Ngayon

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment