Hindi madali ang panganganak. Ayon nga sa kasabihan, tuwing nanganganak ang isang babae ay nasa hukay ang kaliwang paa nito. Maaari ring malagya sa panganib ang buhay ng sanggol kung magkakaroon ng komplikasyon ang nanay. Gaya na lamang ng nangyari sa mag-inang ito mula sa Negros Occidental.
Matapos ang isang challenging na delivery, lumabas na walang malay ang sanggol na ito. Ayon sa report ng 24 Oras, hindi basta-basta sinukuan ng mga doktor ang sanggol. Nag perform ng cardio pulmonary recuscitation o CPR si Dr. Enrico Elumba para lamang maisalba ang buhay ng sanggol.

Read More: Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant
“Nung lumabas ang baby, ide-declare na sana ng isa naming staff kay Doc na patay na. Pero lumabas si Doc sa office niya at pumunta sa ER tapos nag-instruct sa amin na gawin ang CPR,” ayon kay Cortez.
Matapos ang tatlumpung minuto na pagsi-CPR ang doktor, sa wakas ay nailigtas ang buhay ng bata. At bilang pasasalamat sa kabayanihan ng doktor, pinangalangang Enrica Paula ang bata.
Ayon sa mga doktor, dahil first-time mom, nahirapan ang 18-anyos na nanay sa pag-iri. Napansin rin nila na tila ba pinipigilan ng nanay ang paglabas ng sanggol.

Ayon kay Dr. Elumba sa kanyang interview sa 24 Oras, maaaring ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa paghinga ang sanggol.
“Kasi 18 years old palang ‘yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas yung bata kaya hindi na nakahinga, makikita na sana ang baby dahil lumalabas na ang ulo niya,” dagdag pa nito.
Read Also: Nakatakdang Kasalan ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, May Petsa na!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment