Maraming fans ang talaga namang humahanga sa pag-iibigan at pagsasama ng celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Tuluyang tinalikuran ni Jennica ang buhay artista para maging dedicated na asawa at ina sa kanilang dalawang anak. Ngunit kamakailan lang, umugong ang bali-balitang tuluyan ng naghiwalay si Jennica at Alwyn.
Nakatunog ang mga netizens dahil sa mga pagbabago sa social media ng mag-asawa. Napansin rin ng mga netizens na tila burado na ang lahat ng mga photos ng dalawa sa kanilang Instagram account.
Sa Facebook, pinalitan naman ni Jennica ang kanyang pangalan at maiden naman na lamang niya ang nakalagayan ngayon.

Read Also: Naaalala Niyo pa ba si Nikki Gil? Ito na ang Buhay Niya Ngayon Matapos Talikuran ang Showbiz!
“In life, it is natural for us to expect protection from someone we love the most. When the time comes, that person has a change of heart and we find ourselves all on our own. We crumble. We die inside. But in those moments, I want you and me to remember one thing. You, are never alone in life because you are a child of God,” pagbabahagi ng dating aktres sa Instagram.
Umani rin ng reaksyon ang post ni Jennica sa Instagram, kung saan nagtatanong siya kung paano palitan ang kanyang pangalan.
Noong March 30, nakipag one-on-one interview si Jennica sa showbiz insider na si Cristy Fermin, na ninang niya rin pala sa binyag.


Hindi man direktang sinabi ni Jennica, nahinuha ng mga fans na mukhang may pinagdadaanan nga ang mag-asawa.
“Nahihiya ako dahil sa inyo na rin po nanggaling dahil ninang ko nga po kayo sa binyag. Kaya ko naman pong sabihin sa inyo, Nay Cristy, kung tayong dalawa lang po, out of my respect din po, of course, naman po of you. It’s just that right now, Nay, talagang hindi lang po kaya sa ngayon na pag-usapan pa po.”
Bukod pa dito, ibinuking rin ni Jennica na hindi na sila nagsasama sa iisang bubong ng kanyang asawa. Sa halip ay kasalukuyang daw siyang nagre-rent ng one-bedroom unit kasama ang kanyang mga anak.


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment