Bilang isang celebrity mom, hindi maipagkakailang hectic ang schedule ni Kris. Bukod pa dito, mayroon din siyang health problems, kung kaya’t kailangan ni Kris ng tulong sa araw araw na pag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Mabuti na lamang at sagana rin si Kris sa mga loyal at mapagkakatiwalaang house helpers na ilang taon na ring naninilbihan sa kanilang pamilya.
Isa si Bincai sa mga pinaka pinagkakatiwalaang kasambahay ni Kris. Ilang taon na rin itong naninilbihan sa pamilya ni Kris at sa mga anak niya.
Sa ilang taong pakikisama sa kanila ni Bincai, talaga namang napalapit na ito sa mga anak ni Kris na si Josh at Bimby. Sa katunayan, parang pamilya na rin ang turing nila kay Bincai.


Read Also: Protective Jowa: Vice Ganda, Handang Makipagsapakan sa mga Lalandi kay Ion!
Sa loob ng ilang taon, talaga namang marami na ring pinagsamahan sila Kris at Bincai. Matatandaang niregaluhan rin ni Kris ng isang mamahaling Cartier necklace si Bincai bilang tanda ng pagmamahal at appreciation nya dito.
Tinulungan rin ni Bincai si Josh na magpapayat ng 140 pounds, at malaki ang pasasalamat sa kanya ni Kris dito. Ngunit kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kris na umalis na pala si Bincai sa kanila.
Ano kaya ang dahilan ng biglaang pag-alis nito sa kanilang tahanan? Sa kanyang nakaraang tell-all interview, malungkot na ibinalita ni Kris na February 2020 pa lamang ay umalis na si Bincai.

Bago raw ito, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan, ngunit hindi naman binuking ni Kris ang dahilan ng kanilang misunderstanding. Matapos daw nito, nagkaroon ng break si Bincai ng mahigit na apat na linggo kung kailan hindi muna siya nagtrabaho.
Sa pagbabalik ni Bincai, nag-offer daw si Kris ng mga bagong rules upang maiwasan na ang kanilang mga misunderstanding. Ngunit mukhang desidido na si Bincai na magpahinga muna, at sinabi niya kay Kris na hindi na siya babalik. “It was her choice to turn me down, and she did. She walked away,” ayon kay Kris.
Nilinaw naman ni Kris na naiintindihan niya si Bincai, dahil may sarili daw itong pamilya na kailangan niyang alagaan. Sa kabila ng lahat, maayos pa rin naman daw ang relasyon nila ni Bincai.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment