Binata, Nagulat Nang Madiskubre ang Kutsilyo na 14 Months na sa Loob ng Kanyang Katawan!

Talaga nga namang nakakamangha ang ating katawan. Ang ating katawan ay matatag at kayang maghilom mula sa mga karamdaman. Ngunit paminsan-minsan ay talagang mapapakamot ka ng ulo sa mga bagay na matatagpuan sa loob ng iyong katawan. Kagaya na lamang ng nangyari sa isang binatang ito mula sa Kidapawan City, North Cotabato. Kamakailan lang ay nag-viral ang kakaibang kwento niya sa social media!

Huwebes ng March 23, 2021 nang magpa-xray si Kent Ryan Tomao para sa kanyang ina-applyang trabaho sa isang mining company sa Davao City. Ngunit hindi niya inaasahan ang makikita niya sa kanyang x-ray! Maging ang espesyalista ay nagulat dahil tila may nakabaong blade ng kutsilyo sa kanyang katawan.

Read More: Jon Gutierrez, Muli na Namang Niloko si Jelai! Binilihan pa ng Condo at iPhone ang Kabit!

Sa mga larawan, makikita ang blade na nakabaon malapit sa kanyang kanang baga. Noong una ay hindi makapaniwala si Ryan. Sa kanyang interview sa Philippine Entertainment Portal, ibinahagi ni Ryan ang kanyang reaksyon matapos unang makita ang x-ray na ito: “Natulala ako!”

Ngunit ang mas nakakapagtaka pa dito, matapos magpakonsulta sa mga doktor ay nalaman rin ni Ryan kung gaano na pala katagal ang blade sa kanyang katawan. Ayon kay Ryan, 14 na buwan na o mahigit isang taon na rin itong nakabaon sa loob ng kanyang katawan: “Kasi ngayon ko lang nalaman na one year na pala, dinadala ko itong kutsilyo sa katawan ko.”

January 2020 nang aksidenteng masaksak si Ryan matapos mapag-tripan. Agad daw siyang isinugod sa ospital upang mabigyan ng lunas. Pagdating sa ospital, nilinas ang kanyang sugat at tinahi ito.

Walang kaalam-alam ang mga doktor na naiwan pala ang blade ng patalim sa katawan ni Ryan! Sa ngayon naman ay nakikipag-ugnayan na si Ryan sa doktor at sa hospital na nagbigay sa kanya ng paunang lunas matapos siyang masaksak.

Ayon sa binata, sana’y mabigyan nila ng solusyon ito dahil nais na niyang makapaghanapbuhay. Nais rin nilang mapanagot ang doktor sa kapabayaan nito na maaaring magpahamak sa buhay niya.

Read More: Mario Maurer, Nalaos nga ba Dahil kay Kakai Bautista? Kampo ng Thai Actor, Nagbanta ng Kaso!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment