Marami ng sumikat matapos maitampok sa documentary feature na “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Isa na sa kanila ay ang paranormal investigator na si Ed Caluag. Ilang beses na ring nai-feature si Ed sa mga segment ng KMJS upang magbigay linaw sa mga nangyayaring nakakakilabot dito. Kaya naman nakilala siya bilang isang magaling na Specific Field Expert.
Talaga namang viewers at fans ang naaliw sa paranormal investigator, na agad nag-viral sa social media. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit na-feature pa ang kanyang life story sa “Magpakailanman.” Ayon kay Ed, tubong Malolos, Bulacan siya, at bata pa lamang ay humarap na ito sa panganib.

Read More: Ivana Alawi, Ipinag-Shopping at Niregaluhan pa ng Motor ang Kutsinta Vendor na Tumulong sa Kanya!
Pitong-taong-gulang pa lamang siya nang tamaan siya ng sakit na Polio. Tinatarget ng poliovirus ang spinal cord at utak ng isang tao, kaya naman maaari itong maging sanhi ng pagkaparalisa o pagkalumpo. Bukod pa dito, nadiagnosed rin si Ed na mayroong rheumatic heart disease.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Ed upang abutin ang kanyang mga pangarap sa buhay. Nagsikap siya na mag-aral at di maglaon ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Elementary Education. Hindi nagtagal ay nakilala rin ni Ed ang babaeng nagpatibok ng puso niya, si Marilyn Laluan, na kapareha na niya ngayon.


Kilala raw si Ed dati bilang ‘Boyet,’ at dati ay hindi siya masyadong pinapansin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit simula nang sumikat siya sa KMJS, maraming tao na ang nakakakilala sa kanya! Sa katunayan, kahit sa taxi daw ay ipinagbubukas pa siya ng pinto at mas marami na rin ang nagpapapicture sa kanya.
Alam niyo bang may nakatagong talento rin si Ed Caluag? Sa kanyang interview sa Barangay LS 97.1, ipinamalas ni Ed ang talento niya sa pagkanta. Ayon kay Ed, bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa mga awitin ni Kenny Rogers. Kinanta niya rin ang sikat na awitin nito na Lady.

Read Also: Netizens, Pinag-Iingat si Yam Concepcion kay Gerald Anderson Dahil sa Bagong Teleserye Nila
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment