Maraming kababaihan ang nangangarap ng isang romantic at sweet na proposal mula sa lalaking minamahal nila. Talaga nga namang nakakakilig lalo pa’t makikita mo ang effort ng lalaki para lamang makuha ang matamis na ‘yes’ mo! Dahil dito, kung ano-anong pakulo rin ang naiisip ng mga boyfriends para lamang mapasagot ang kanilang babaeng iniirog.
Ito na marahil ang isa sa mga pinaka-unique na proposals ngayon! Kamakailan lang, nag-viral ang couple na ito dahil sa kanilang nakakakilig na proposal.
At dahil parehong cabin crew ang dalawa, sa loob mismo ng eroplano naganap ang espesyal na okasyon! Talagang pinatunayan ni Amarie Catalan at Mark Lucky Martinez na “Love is in the air.”


Read More: Jon Gutierrez, Muli na Namang Niloko si Jelai! Binilihan pa ng Condo at iPhone ang Kabit!
Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang nakakakilig na proposal ni Lucky sa kanyang long-time girlfriend na si Amarie. Last year pa daw niya ito balak sorpresahin, ngunit dahil sa pandemya ay nadelay ito.
Gayunpaman, nagpursigi si Lucky na hingi ang permiso ng Cebu Pacific para sa wakas ay makapag-propose na. Walang kaalam-alam si Marie na mayroon na palang sorpresa na naghihintay sa kanya!
Upang mas maging romantic ang eksena, mayroon pang tarpaulin na may nakasaad: “Amarie, will you marry me?” Kaya naman agad na napa-‘yes’ ang flight attendant!


Sa kabilang banda, nagpasalamat rin ang couple sa mga taong tumulong sa kanila upang maisakatuparan ang kanilang dream proposal. Ayon kay Marie, malaki rin ang pasasalamat nila sa management ng Cebu Pacific na pumayag upang maganap ang proposal sa loob ng eroplano. Ayon kay Marie, talagang magiging memorable ang kanilang unique wedding proposal na ito!
“He was involved from conceptualizing to choosing the crew that will be with me on that day. We are grateful to the Cebu Pacific management for allowing him to do this during the flight, and to all the Juans onboard with us to celebrate that momentous event inflight.”
Read More: Mario Maurer, Nalaos nga ba Dahil kay Kakai Bautista? Kampo ng Thai Actor, Nagbanta ng Kaso!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment