Maraming tao ang nangangarap na mapabilang sa industriya ng showbiz. Ngunit may ibang artista ring na-realize na hindi pala para sa kanila ang showbiz, kaya naman mas pinili nilang talikuran ang kanilang career. Karamihan sa kanila ay mas nag focus sa kanilang personal na buhay, samantalang ang iba naman ay tumahak ng ibang landas kung saan mas masaya sila.
Isa na sa kanila ay ang dating aktres at host na si Nikki Gil. Natatandaan mo pa ba ang Kapamilya star na ito? Dati, isa si Nikki sa mga pinakahinahangaang hosts sa Kapamilya network.
Dahil sa kanyang taglay na charm at talento, talaga namang nabihag ni Nikki ang puso ng mga fans. Bukod pa dito, isa rin siyang talentadong singer na nagkaroon ng mga hits.


Read Also: Sikat na OPM Icon na si Claire dela Fuente, Tuluyan Nang Namaalam sa Edad na 62
Ilang taon ring namayagpag ang career ni Nikki Gil bilang isang singer at host. Mas lalo rin siyang sumikat nang mapabilang siya sa noontime variety show na ASAP.
Ngunit noong 2015, nagdesisyon si Nikki na tuluyan nang iwanan ang kanyang career sa showbiz. Mas nais rin ni Nikki na mag focus sa kanyang personal na buhay.
Noong taon ring iyon ay ikinasal si Nikki sa kanyang long-time boyfriend na si BJ Albert na isang businessman. Simula nang ikasal siya, mas pinili ni Nikki na magkaroon ng tahimik na buhay malayo sa kamera. Hindi nagtagla ay biniyayaan ang couple ng isang anak. Pinangalanan nilang Finn ang kanilang panganay na lalaki.


Talagang napakalaki na rin ng pinagbago ni Nikki ngayon! Mula sa pagiging singer at host, isang full time mommy and housewife na siya ngayon.
Isa siyang dedicated mom sa kanyang anak, at talaga namang excited si Nikki na gampanan ang role niya bilang maybahay. Bukod pa dito, bumalik rin siya sa pag-aaral.
Sa ngayon ay muling nag-aral ng kanyang pangalawang kurso ang dating Kapamilya star. Nag-aaral si Nikki ngayon sa Philippine School of Interior Design.


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment