Ayon nga sa matandang kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan. Kahit gaano pa karami ang pera mo, hindi nito matutumbasan ang malusog na pangangatawan at isip. Dahil dito, kailangang mag-invest ng atensyon at oras upang siguraduhing nasa mabuting kalagayan ang iyong katawan. Katulad na lamang ng celebrity mom na si Pauleen Luna Sotto.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang health buff si Pauleen. Simula nang manganak siya kay Baby Tali, mas lalo pang nagpursigi ang “Eat Bulaga” host na maging fit and healthy.
Sa katunayan, noong nakaraang buwan lamang ay nag-start si Pauleen ng kanyang fitness journey upang mas maging malakas at malusog.

Read Also: Silipin ang Bonggang Mansyon ni Derek Ramsay na Mayroong Sariling Elevator sa Loob!
Ngunit sa kabila ng kanyang positibong outlook s abuhay, aminado si Pauleen na mayroon rin siyang pinagdaraanan ngayon. Sa Instagram, nag-open up si Pauleen tungkol sa pagkakaroong ng PCOS, o polycystic ovarian syndrome. Ayon sa “Eat Bulaga” host, hindi rin daw madali ang kanyang sitwasyon ngayon.
“A little over a month into my fitness journey and I’m starting to feel coming back! I’ve accepted that it’s a slow progress but slow is better than none. Living with PCOS is no joke.
Making good choices with my food intake moving (it’s pilates, walking, spinning for me) has been my priority lately. So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me.”

Upang malabanan ang kanyang karamdaman, mas naging desidido raw si Pauleen na ipagpatuloy ang kanyang healthy lifestyle. Bukod sa araw araw na ehersisyo, mas naging maingat na rin daw si Pauleen sa kanyang mga kinakain.
Hindi madali ang ma-diagnose ng may PCOS. Bukod sa hormonal irregularities, maaari ring dumanas ng malalang sintomas ang mga kababaihang meron nito. Kabilang na dito ang dysmenorrhea, irregular period, cystic acne, at pagiging hirap na magbuntis.
Read Also: Larawan ni John Lloyd Cruz na Sugatan sa Loob ng Jeep, Umani ng Reaksyon sa Social Media!


Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment