Ivana Alawi, Naiyak sa Kabaitan ng Matandang Vendor na ito Matapos Siyang Magpanggap na Pulubi!

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Ivana Alawi ang latest prank niya sa kanyang Youtube channel. Sa pagkakataong ito, lumabas si Ivana at nakisalamuha sa ibang tao. Ngunit upang hindi siya makilala, nagdisguise ang 23-anyos na Youtube star. Nagsuot siya ng maduming damit at wig at pinangalanan ang kanyang bagong characteer bilang si ‘Inday.’

Nagdala rin si Ivana ng karatula. Lumapit siya sa iba’t-ibang tao upang manghingi ng pamasahe para makauwi sa Baguio.

Sa kanyang vlog, nagulat si Ivana dahil sampung Good Samaritan ang lumapit sa kanya at tinulungan siya. Sa bawat piso na ibinigay nila ay isang libo naman ang isinukli ni Ivana!

Read Also: Solenn Heussaff, Ipinamalas ang Kanyang Angking Talento Hindi Lang sa Pag-Arte, Kundi Pati sa Pag-Pinta!

Ngunit isa sa pinaka nagpaiyak sa dalaga ay ang matandang vendor na ito. Dahil walang pera, nag-volunteer siya na bigyan na lamang ng pagkain si ‘Inday.’

Ayon kay Ivana, talaga naantig siya sa kabaitan na ipinakita sa kanya ng matandang vendor na ito! Pinakain siya nito at nagkwento pa ito tungkol sa kanyang buhay, ngunit di niya akalaing si Ivana na pala ang kaharap niya.

“Tapos bibilhan pa daw niya ako ng coke. Sobrang bait niya, sana marami pang tumulad sa kanya. Iba talaga ang Pinoy at may pag-asa pa rin tayo at sa mga nagsasabing hindi tayo uunland, uunlad tayo. Marami pa rin sa atin ang mababait, marami pa rin sa atin ang tumutulong sa ating mga kapwa. Hahanapin namin siya at deserve niya ng maraming tulong,” pahayag ni Ivana.

Bukod pa dito, nangako rin si Ivana na muli niyang hahanapin si Tatay at tutulungan ito. Ayon kay Ivana, na-inspire rin daw siya na gawin ito dahil araw-araw rin siyang nakakakita ng mga taong kapus-palad na nanghihingi ng tulong.

“Bakit ko to ginawa? Kasi araw-araw, kapag lumalabas ako, may nakikita akong mga taong kumakatok sa bintana na nanghihingi. Lalo akong na-inspire to become a better person to help more people because people like tatay, they really deserve it. First time kong maka-experience ng ganon, ‘yong kukwentuhan ako tungkol sa life nila.”

Read Also: “Mabilis magalit”- Mga Kasambahay ni Vice Ganda, Nagsalita na Tungkol sa Attitude Problem Nito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment