Jon Gutierrez at Toni Fowler, Nagka-Initan sa Twitter Matapos Pumutok ang Isyu sa Muling Pambababae ni Jon

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pasabog ng social media influencer na si Jelai Andres tungkol sa kanyang asawang si Jon Gutierrez. Sa pangalawang pagkakataon, muli na namang nahuli ni Jelai na may ibang babae ang dating Ex-Batallion member. Ibinunyag niya ang mga panlolokong ginawa nito kasama ang isang estudyante sa Lyceum, na di umano’y binilihan pa ng condo ni Jon!

Ngunit matatandaang hindi ito ang unang pangyayari kung saan nagloko si Jon. Taong 2017 nang aminin rin nito na nagkaroon sila ng relasyon ng dating dancer na si Toni Fowler habang sila pa ni Jelai.

At sa pagputok ng bagong issue ngayon kay Jon, agad ring nag-react si Toni sa social media. Sa Twitter, ibinuhos ni Toni ang kanyang saloobin.

Read More: Jon Gutierrez, Muli na Namang Niloko si Jelai! Binilihan pa ng Condo at iPhone ang Kabit!

“Palag palag ako ngayon. Di na mananahimik pa! Wahahaha! Tagal ko ng inantay lumabas baho mo sing tagal ng paglubog mo sa akin noon! Hindi na nga nag sorry matapang pa! Maawa ka sa asawa mo di yung ikaw pa galit! Eh kahit galit yan 2 inches pa din naman yan hahaha,” ito ang tweet ni Toni na agad namang umani ng reaksyon sa mga netizens.

Tumanggi rin si Toni na manahimik sa isyung ito, dahil napuno na rin daw siya. Nagpahayag rin ng simpatya si Toni kay Jelai, na 2018 nang pakasalan ni Jon.

Ayon pa sa vlogger, sayang lamang ang mahigit tatlong milyon na nagastos nila sa kasal dahil nagloko lang rin naman si Jon.

Sa kabilang banda, nag react rin si Jon sa mga pahayag na ito ni Toni. Sa Twitter, nagparinig ang Ex-Batallion member tungkol sa mga ‘Jollibee’ na di umano’y nakikisawsaw sa mga isyu. Ayon pa kay Jon, kung hindi naman kasali sa isyu ay manahimik na lang dahil usapang mag-asawa lang ito.

“Pag di kasali sa issue be quiet po. Ingay ingay mo na naman Jollibee parang dun sa video mo na sinend mo sakin. Kung ano ano ine-ebas mo iniyakan mo naman ako! Oh baka may mag tanggol na naman na feeling super hero ah. Move on. Next!”

Read More: Alex Gonzaga, Inalala ang Kontrobersya na Sinigaw-Sigawan Niya ang Ateng si Toni sa Backstage ng ASAP!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment