Maja Salvador, Nanindigan sa mga Boss ng ABS-CBN sa Desisyon Niyang Mag-Lipat Network

Isa si Maja Salvador sa mga pinakahinahangaang aktres at host sa showbiz. Halos dalawang dekada ring under ng Star Magic si Maja. Sa loob ng 18 years, aminado ang aktres na malaki ang naging kontribusyon ng network sa kanyang career. Kaya naman maraming fans ang nagulat nang inanunsyo ni Maja ang kanyang paglipat sa ibang network.

Noong nakaraang taon, ilang buwan matapos ang ABS-CBN shutdown, ibinahagi ni Maja sa lilipat na siya ng ibang network. Sinorpresa ni Maja ang kanyang mga fans nang sumali siya sa variety show ng TV 5 na “Sunday Noontime Live.”

Sa kanyang interview sa Philippine Entertainment Portal, ibinunyag ni Maja ang rason sa desisyon niyang ito.


Read Also: Mommy Divine, Napatawad na nga ba si Sarah? Fans, Curious sa Bagong Post ng Popstar Royalty!

Ayon sa aktres, July 2020 nang mag-expire ang kontrata niya sa Kapamilya network. Nais man niya itong i-renew, hindi niya magawa dahil walang current franchise ang ABS-CBN at naka freeze lahat ng talent contracts nito. Dito rin daw nag-reach out si Mr. M, o Johnny Manahan, kay Maja.

Kilala si Mr. M bilang talent manager at director sa Kapamilya network. Siya rin ang nag-direct ng “ASAP Natin ‘to.” Isa rin si Mr. M sa maraming celebrities na lumipat sa TV 5 simula nang magsara ang ABS-CBN. Ayon kay Maja, nag-reach out daw sa kanya si Mr. M upang sumali siya sa bagong show nito.

Matagal rin daw pinag-isipan ng aktres ang offer na ito. Upang walang samaan ng loob sa pagitan ng kanilang mga networks, nagpasya si Maja na kunin ang advice ng mga ABS-CBN top executives. Binigyan naman daw nila ng permiso ang aktres na lumabas sa “Sunday Noontime Live.”

Ang ABS-CBN rin daw mismo ang gumawa ng agreement sa TV 5 upang magkaroon ng shows ang kanilang mga celebrities sa kabila ng pandemic. Sa ngayon naman ay excited na ang mga fans kung anong next big project ni Maja.

Read Also: Ivana Alawi, Naiyak sa Kabaitan ng Matandang Vendor na ito Matapos Siyang Magpanggap na Pulubi!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment