Tom Rodriguez at Carla Abellana, Bakit Nga Ba Itinago ang Secret Engagement Mula sa mga Fans?

Isa si Tom Rodriguez at Carla Abellana sa maituturing na ‘power couples’ sa showbiz industry. Sa ilang taon nilang tambalan, kahit kailan ay hindi nasangkot sa negative na kontrobersya ang dalawa. Kaya naman maraming fans ang sigurado na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon. At kamakailan lang ay kinumpirma na ito ng celebrity couple!

Sa social media ay ibinahagi ng Kapuso actor na nag-propose na siya sa kanyang girlfriend of six years. Nitong nakaraang taon lamang ay naghanda si Tom ng isang simple ngunit memorableng proposal para kay Carla, ayon sa post niya sa Instagram. Ibinigay naman ng aktres ang kanyang matamis na oo, kaya’t officially engaged na sila ngayon!

Read Also: “It’s so sad”- Ina Raymundo, Aminadong Hindi na Sweet ang Asawa Niya Matapos ang 20 Years!

Ayon sa Nice Print Photography, na siyang official photographer sa proposal nila Tom at Carla, naganap ang proposal noong October 2020. Talaga namang maiging pinag-isipan ni Tom ang kanyang wedding proposal. Ginanap ito sa isang garden na venue, kung saan napapalibutan ang couple ng romantic white roses.

Sa Instagram, ibinahagi rin ni Tom na wala siyang mapaglagyan ng tuwa. Kahit pa October ginanap ang kanilang proposal, mas minabuti ni Tom at Carla na gawing lihim muna ito. March 21 nang kumpirmahin ng dalawa ang balita sa kanilang mga fans.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride. I love you in this way because I do not know any other way of loving but this.”

Sa kabilang banda, maraming fans naman ang talagang natuwa sa balitang ito. Sa Instagram at Facebook, inulan ng congratulatory wishes si Carla at Tom. Maging ang kanilang celebrity friends ay nagbunyi sa engagement ng dalawa. Kabilang na sa mga bumati sa couple ay sina Jackie Lou Blanco, Jessa Zaragoza, Ynna Assistio, Charee Pineda, at marami pang iba.

Matatandaang unang naging magkatrabaho ang dalawa noong 2013. Ilan sa mga projects nila ay ang “My Husband’s Lover,” “My Destiny,” at “It’s You.” Taong 2014 nang kumpirmahin ni Carla at Tom na may relasyon sila.

Read Also: Pia Wurtzbach, Nagpakabaliw Dahil sa Lalaki at Kinalimutan ang Career at Pamilya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment