Sa pagpasok ng bagong taon, isang malungkot na balita rin ang bumungad sa mga fans ni Toni Fowler at Rob Moya. Matapos ang ilang taong pagsasama nila, ibinunyag ni Toni na tuluyan na silang naghiwalay. Noong mga panahong iyon, hindi naman nilinaw ng social media influencer ang totoong dahilan ng break up nila ni Rob Moya.
Ngunit kamakailan lang ay maraming netizens ang nagtatanong sa kung ano ba talaga ang nangyari sa dalawa. Bago pa man ang isyu ng hiwalayan nila, binansagan silang ‘couple goals’ sa social media dahil sa kanilang sweet na relasyon.
Ngunit mukhang wala talagang forever, at kahit pa gaano mo kamahal ang isang tao ay maari siyang magbago.


“Yes po. Single na po ako. Sa ngayon hindi ko para ikwento ang mga dahilan dahil hindi makakatulong sakin. Dahil medyo madaming tao ang sabay sabay nawala sa buhay ko ngayon. Gusto ko lang mag trabaho at mag focus sa sarili ko, kay tyronia at sa buong Toro Fam. Sana naiintindihan nyo,” pahayag ni Toni.
Mukhang ganito rin ang sinapit ng relasyong ng dalawa. Umugong ang usap-usapan na baka third party ang dahilan ng hiwalayan ni Toni at Rob.
Ngunit para matigil na ang mga haka-haka ng netizens, matapos ang kanyang matagal na pananahimik, sa wakas ay nagsalita na si Toni tungkol sa totoong rason ng kanilang break-up.

Sa kanyang vlog, ibinuking ni Toni ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila. Usapang pera pala ang naging rason ng kanilang paghihiwalay! Ayon kay Toni, mukhang nasilaw masyado si Rob sa kanilang kinikita sa vlogging. Ngunit tuluyan raw na nawala ang tiwala niya dito ng pakialaman ni Rob ang personal na pera niya.
Ayon kay Toni, mayroong bank account siya na inilalaan para sa savings ng kanyang anak na si Tyronia. May access rin daw si Rob dito. Mahigit P3 million na ang laman nito, ngunit nang silipin ni Toni, nagulat siya dahil P200,000 na lamang ang natitirang amount dito!
Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Rob tungkol dito. Napapabaita ring mayroon na itong bagong girlfriend.


Read Also: “Mabilis magalit”- Mga Kasambahay ni Vice Ganda, Nagsalita na Tungkol sa Attitude Problem Nito!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment