Talaga nga namang biyaya ang magkaroon ng mabait at maunawaing kapatid. Ngunit bilang magkapatid, normal na rin ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan paminsan-minsan. Bahagi na ng relasyon ng magkakapatid ang paminsan-minsang away at di pagkakaintindihan, gaya na lamang ng celebrity sisters na sina Toni at Alex Gonzaga.
Ilang dekada na ring nasa industriya ng showbiz si Toni at Alex. Dalawa lamang silang magkapatid, kaya naman hindi rin maipagkakaila na malapit sila sa isa’t-isa. Maraming fans rin ang humahanga sa relasyon nila dahil makikita ang nag-uumapaw na pagmamahal at respeto nila sa isa’t-isa.

Read More: Jon Gutierrez, Muli na Namang Niloko si Jelai! Binilihan pa ng Condo at iPhone ang Kabit!
Ngunit gaya ng marami, dumating rin sa punto na mayroon silang mga bagay na hindi pinagkakasunduan. Sa kanyang nakaraang vlog na “We React to Our Crazy Rumors,” inalala ni Alex ang nangyaring kontrobersya sa kanila ni Toni noong nagte-taping sila sa ASAP. Ayon kay Alex, talagang na-offend siya sa sinabi ng kanyang ate.
“Taping ako, tuloy tuloy ang taping ko so pagod ako, tapos alam ko magkikita kami sa ASAP. Sabi ko, ‘Nako di na ko kakain kasi lalaitin na naman ako kais yung puson ko.’ Pero gutom na gutom na talaga ako. Biglang nagsalita to, umiyak ako, na-trigger ako, sinigaw-sigawan ko sya. Who’s my biggest critic? This girl right over here,” pagbabahagi ni Alex.


Sa kabila ng lahat, naiintindihan naman daw niya na concern lamang si Toni sa kanya. Sa katunayan, aminado rin si Alex na talagang mabait ang kanyang ate sa kabila ng mga criticisms nito sa kanya. Ayon naman kay Toni, nais niya lang na maging presentable si Alex sa harap ng mga audience.
Sa ngayon naman ay umabot na ng 2.3 million views ang latest vlog ni Alex. Maraming netizens rin ang talaga namang naaliw sa mga rebelasyon ng dalawang ito!
Read More: Mario Maurer, Nalaos nga ba Dahil kay Kakai Bautista? Kampo ng Thai Actor, Nagbanta ng Kaso!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment