Residente sa Agusan del Sur, Ginagambala Daw ng Isang Sirena na Nangunguha Rin ng Bata

 

Sa kulturang Pilipino, namulat na tayo tungkol sa mga kwento ng sirena. Ayon sa mga kwentong-bayan, ang mga sirena ay mga nilalang na naninirahan sa dagat. Sila ay may kaanyuang kalahating tao at kalahating isda, ngunit hanggang ngayon ay wala pang totoong ebidensya na nagpapatunay sa mga sirena.

Ngunit kamakailan lang ay nagbahagi ng kanilang nakakakilabot na karanasan ang mga residente ng isang bayan sa Agusal del Sur!

Ayon sa mga naninirahan sa bayan ng San Francisco, marami sa kanila ang nakakita ng isang nilalang na umaaligid sa ilog ng Hibong. Ngunit malayo daw ito sa ‘maganda’ at ‘makinis’ na sirena na madalas ay nasa mga kwentong bayan. Sa halip, mayroon daw itong nakakatakot na kaanyuan. Binansagan nilang ‘kataw’ ang nasabing nilalang.

Read More: Gerald, Aminadong Naging ‘Toxic’ Ang Relasyon Nila ng Ex-Girlfriend na si Bea Alonzo

Sa kanilang interview sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,’ ibinahagi rin ng mga residente ang kanilang nakakakilabot na karanasan nang makita nila ang kataw.

Matagal na rin daw nitong ginagambala ang mga residente na nakatira malapit sa ilog. Kahit mga matatanda, mayroon na rin daw nakakatakot na kwento tungkol sa nilalang na ito.

“Pumapalaot ako nu’n. Tapos bigla na lang yumugyog sa bangka ko! Pagyuko ko, nakakita ako ng buntot at kaatawan. Tumindig balahibo ko! Natakot talaga ako. Para siyang sirena pero kulubot ang mukha. Mukha siyang janitor fish! Kataw ang tawag namin niyan dito. Hindi talaga ako natulog sa kakaisip.”

Bukod sa panggagambala sa mga mangingisda, ilang buhay na rin daw ang nawala dahil sa katam. Isa sa mga residente na nawalan ng minamahal sa buhay ay si Josephine Laurente.

Ayon kay Josephine, naliligo sa ilog ang kanyang anim na taong gulang na anak na si Clint nang bigla na lamang may humila dito sa ilalim ng tubig. Hindi na raw muling nakita ang katawan ng bata.

Dahil dito, nagkaroon ng takot ang mga residente sa ilog. Sa takot nilang makasalamuha ang kataw, karamihan sa kanila ay sa balon na lamang nag-iibig ng tubig.

Read Also: Alden, Mananatili pa nga bang Kapuso? Ito na ang Status ng Kontrata Niya Ngayon!

Ngunit totoo nga ba na mayroon talagang sirena dito? Silipin ang buong report ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment