Noong November 2020, nagulat ang mga fans matapos ibunyag ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Andrea Torres. Siyam na buwan lamang nagtagal ang kanilang relasyon bago tuluyan itong nagwakas, ngunit hindi naman ipinaalam ni Derek at Andrea sa publiko ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngayon, matapos ang ilang buwan, ready na kaya ulit magmahal si Andrea?
Matapos ang kanilang break-up ay mas pinili ng Kapuso aktres na mag focus muna sa kanyang personal na buhay at career. Hindi na rin humarap pa sa press o publiko si Andrea upang magsalita tungkol sa kanilang break-up. Ginulat na lamang niya ang mga netizens nang maglabas siya ng kanyang glowing post-breakup selfie sa Instagram.


Apat na buwan matapos ang break-up niya kay Derek, ready na kaya magmahal ulit si Andrea? Sa kanyang latest interview sa “Chika Minute,” ibinunyag ng aktres na gusto na muna niyang magpahinga mula sa love life. Ayon kay Andrea, may mga bagay na dapat mas pagtuunan ng pansin, gaya na lamang ng kanyang pamilya at career.
“Hindi po muna. Gusto ko po muna mag-spend ng time with myself. So, ganito na lang po muna tayo talaga, work, family, and friends,” ayon sa aktres. Busy rin siya sa paghahanda para sa kanyang upcoming teleserye. Isa ring host ngayon si Andrea sa gameshow na “Wowowin.”

Sa kabilang banda, mukhang agad namang naka-move on ang ex niya na si Derek Ramsay. Ilang buwan lamang matapos ang kanilang break-up ay nalink na ito sa isang fitness coach.
At ngayon February lamang ay cinonfirm ni Derek na official na ang relasyon nila ng sexy actress na si Ellen Adarna.
Ayon kay Derek, ramdam niya na si Ellen na talaga ang kanyang “The One.” Mukhang mmutual naman ang feelings nila sa isa’t-isa. Sa katunayan, pinakilala na rin ni Ellen si Derek sa kanyang anak na si Elias, at ‘tito’ na ang tawag nito kay Derek! Si Elias ay anak ni Ellen sa kanyang ex na si John Lloyd Cruz.
Read Also: Maja Salvador, Napapabalitang Buntis Dahil Laging May Bitbit na Baby Bag


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment