Independent Woman! Ivana Alawi, Hindi Ipinagkaila ang Trabaho Niya Dati Bilang Waitress sa Bahrain

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na Youtube vloggers ngayon sa Pilipinas. Sa isang taon niyang pagba-vlog, nagkaroon na ng 12.4 million subscribers si Ivana sa Youtube! Dahil din sa matagumpay na career niya hindi lamang sa Youtube kundi maging sa showbiz, aminado si Ivana na nakakapagpundar na siya ng mga ari-arian para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Ngunit alam niyo ba na bago sumikat, dumaan muna sa butas ng karayom si Ivana? Hindi rin naging madali ang umpisa nito sa industriya ng showbiz. Noong una, kinailangan ni Ivana na sumabak sa mga sexy roles sa teleserye para lamang magkaroon ng projects. Ilang trabaho rin ang pinasok niya dati para lamang kumita ng pera.

Read Also: “It’s so sad”- Ina Raymundo, Aminadong Hindi na Sweet ang Asawa Niya Matapos ang 20 Years!

Kahit pa mayaman ang tatay ni Ivana na si Samier Al-Alawi, pinalaki raw sila nitong independent at madiskarte. Kaya naman kahit pa komportable sila sa buhay sa Bahrain, pinag-trabaho pa rin sila ng kanilang mga magulang. Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Ivana na nagtrabaho na rin siya bilang isang waitress dati.

Kasama niya rin ang kanyang kapatid na si Hash sa kanilang trabaho bilang waitress at waiter. Ayon kay Ivana, noong nabubuhay pa ang tatay niya ay mayroon itong restaurant.

Dito rin sila nagta-trabaho para kumita sila ng kanilang sariling pera. Marami rin daw siyang natutunan sa karanasan niyang ito.

“Pareho kaming water, waitress ako. Ako taga punas dun. Kasi dati sa Bahrain meron kaming restaurant tapos ako yung taga-punas. Si Dad kasi yung may-ari ng restaurant, so ginagawa niya kaming mga waiter, waitress para kumita kami ng pera parang ganun. Tapos nahihiya akong kunin yung mga order nung mga tao kasi parang sosyal,” pahayag ni Ivana, na nagbalik tanaw sa kanyang part-time job dati.

Ayon pa sa Youtube star, sosyalin ang mga guests na kumakain sa restaurant, kaya naman noong una ay nahihiya pa siyang kumuha ng order. Pero nang magtagal ay nag-enjoy na rin daw siya. Dito rin niya natutunan kung paano maging independent at kumita ng sarili niyang pera.

Read Also: Pia Wurtzbach, Nagpakabaliw Dahil sa Lalaki at Kinalimutan ang Career at Pamilya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment