Marmaing fans ang talagang kinilig sa tambalan ng beteranang aktres na si Sheryl Cruz at sa rising actor na si Jeric Gonzales sa teleseryeng “Magkaagaw.” Kahit pa May-December love affair ang tandem nila, napansin ng mga viewers na mayroong chemistry sa pagitan ng dalawa! Sa kanyang nakaraang interview, inamin rin ni Jeric na mas preferred niya ang babaeng mas may edad sa kanya.
Sa “Tekla and Boobay Show,” nilinaw ni Jeric na gusto niya ang mas matured sa kanya. Ibinahagi nita rin ang mga preparations na pinagdaraanan nila ni Sheryl upang mas magampanan ang kanilang role. Ayon kay Jeric, malapit silang magkaibigan ng aktres kaya naman alam nila ang timpla ng isa’t-isa.

Read Also: Mommy Divine, Napatawad na nga ba si Sarah? Fans, Curious sa Bagong Post ng Popstar Royalty!
“For me, I think it’s having a good relationship with your co-actor. Kasi kami naman ni Miss She, it takes time na makapag-build ng ganong relationship as an actor na trust na kayo sa isa’t isa, comfortable na kayo. So kami maraming show na rin kami na nagkasama. And then nakatulong talaga yun going this show na ito na intimate na, intense na, may love scenes,” pahayag ni Jeric.
Sa kanyang nakalipas na interview, itinanggi naman ni Sheryl ang bali-balita na nabuntis daw umano siya ng kanyang co-star.
Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang tsismis na nabuntis daw ni Jeric ang beteranang aktres. Tinawanan lamang ito ni Sheryl, at idineny ang mga kumakalat na usapan.

Gayunpaman, ayon kay Sheryl, naniniwala siyang hindi hadlang ang malaking age gap sa pagmamahalan. Sa kanyang nakalipas na interview, nilinaw ni Sheryl na kung single naman ang isa’t-isa, walang masama kung magkakaroon ng relasyon. Isang beses na ring naikasal ang aktres, ngunit naghiwalay rin sila ng kanyang ex-husband.
“But if you are both willing to go in a relationship, I don’t think there is anything wrong with that. And for as long as both of you nga are free, and without any other relationship, o walang ibang involved na relationship sa inyo, and I guess you can freely express your love for each other, I don’t see anything wrong with that.”
Read Also: Ivana Alawi, Naiyak sa Kabaitan ng Matandang Vendor na ito Matapos Siyang Magpanggap na Pulubi!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment