Karamihan sa mga babae ay nangangarap na magkaroon ng sexy na katawan. Kaya naman kung ano-anong exercise at diet ang ginagawa nila para lamang ma-achieve ang payat na katawan at maliit na bewang! Ngunit mayroon din namang mangilan-ngilan na tunay na pinagpala. Kahit pa walang exercise o diet, nabiyaan sila ng natural na magandang katawan. Isa na sa kanila ang ang babaeng ito sa Myanmar.
Maraming netizens ang napapa-“sana all” sa napakagandang figure ng babaeng ito. Dahil diyan, sumikat siya sa social media sa kanyang kakaibang kaanyuan, na talaga namang nakakamangha! Siya rin ang tinaguriang babae na mayroong pinakamaliit na bewang sa buong mundo.


Ang babaeng ito ay kinilala bilang si Su Naing, mula sa Myanmar. Hindi na niya kailangan ng plastic surgery upang ma-achieve ang inaasam-asam na hourglass figure. Siguradong mamamangha kayo sa mga pictures nya pag nakita niya ang kanyang bewang na 13.7 inches lamang ang sukat, o humigit-kumulang 35 cm.
Maraming netizens naman ang nag-iisip na bunga lamang ng Photoshop ang mga pictures niya. Ngunit sa isang interview, itinanggi ito ni Su.
Ibinunyag niya rin ang kanyang sikreto upang mapanatili ang kanyang bewang. Ayon kay Su, nasa lahi na nila ang pagkakaroon ng maliit na bewang at balingkinitang pangangatawan.


“I am in a healthy disposition. I keep to a healthy diet hence there’s nothing to actually worry about. I personally don’t think there’s something wrong with how I look. I love sharing photos and flaunting my looks. The compliments so far are flattering as a few agree it’s a beautiful look.”
Sa kabilang banda, ayon sa mga eksperto, 31.5 inches ang average na bewang ng mga tao sa buong mundo. Sa ngayon ay hindi pa nabe-verify kung totoo nga ba na ganito lamang kalapad ang bewang si Su. Dahil sa kanyang figure, sumikat na rin siya sa social media bilang isang influencer.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment