Ivana Alawi, Ipinag-Shopping at Niregaluhan pa ng Motor ang Kutsinta Vendor na Tumulong sa Kanya!

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 13 million ang latest prank ni Ivana Alawi sa Youtube. Kamakailan lang, ibinahagi ng 24-anyos na Youtube star ang kanyang social experiment, kung saan nagpanggap siya na taong-grasa na nangangailangan ng tulong. Sa daming tao na lumapit sa kanya, iisa lamang ang tumatak kay Ivana, ang kutsinta vendor na ito na si Tatay Joselito.

Si Tatay Joselito ang isa sa mga tumulong kay Ivana habang naka-disguise ito bilang si “Inday.” Humingi si Inday ng tulong upang makauwi sa Baguio.

Binigyan naman siya ng mabait na kutsinta vendor ng biscuit at softdrinks at pinaupo siya upang makapagpahinga siya. Dahil dito, talagang naantig si Ivana.

Read Also: Julia Barretto, May Gusto Nga Bang Patunayan Kay Bea Dahil sa Mirror Selfie na Ito?

“Bakit ko to ginawa? Kasi araw-araw, kapag lumalabas ako, may nakikita akong mga taong kumakatok sa bintana na nanghihingi. Lalo akong na-inspire to become a better person to help more people because people like tatay, they really deserve it. First time kong maka-experience ng ganon, ‘yong kukwentuhan ako tungkol sa life nila.”

Sa huli ay ibinuking ni Ivana na isang social experiment lamang ang lahat na ito. Binigyan niya rin ng P20,000 cash si Tatay Joselito dahil sa kabutihang loob nito.

Nangako rin ang Youtube star na muli niyang hahanapin si Tatay Joselito upang matulungan ito. At mukhang tinupad na nga ni Ivana ang pangako niya dito!

Kamakailan lang ay namataan ng mga netizens si Ivana kasama ang kutsinta vendor. Mapapansing nasa department store at grocery ang dalawa, kung saan namimili sila ng mga gamit ni Tatay Joselito. Agad namang kumalat ang larawan nila sa social media.

Bukod pa dito, namataan rin si Ivana na kasama ang kutsinta vendor habang nasa motorcycle shop sila. Mukhang balak rin ni Ivana bilihan ng bagong motor si Tatay para makatulong sa paghahanap-buhay nito! Sa ngayon ay excited na ang mga netizens na mapanood ito sa susunod na vlog ng Youtube star.

Read Also: Dakilang Ama, Napagtapos ang Apat na Anak sa Pagtitinda ng Fishball at Palamig!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment