Larawan ni John Lloyd Cruz na Sugatan sa Loob ng Jeep, Umani ng Reaksyon sa Social Media!

Tatlong taon ring nawala sa industriya ng showbiz si John Lloyd Cruz. Simula noong 2017, magmula ng mag-file ang aktor ng ‘indefinite leave of absence,’ ay hindi na muling nakita sa pelikula o teleserye man lang si John Lloyd. Dahil dito, maraming fans ang nag-aabang kung kailan muli babalik sa pag-akting ang Kapamilya star.

Isa sa mga pinaka-inaabangang proyekto ni John Lloyd ay ang pelikulang ‘Servando Magdamag.’ Pagbibidahan niya ang pelikulang ito na maaaring ipalabas na sa takilya ngayong taon. Ayon pa sa aktor, kakaiba raw ito sa mga nakalipas niyang pelikula, kaya paniguradong mag-eenjoy ang mga fans.

Read Also: Gerald, Aminadong Naging ‘Toxic’ Ang Relasyon Nila ng Ex-Girlfriend na si Bea Alonzo 

Ang ‘Servado Magdamag’ ay Lav Diaz adaptation ng short story ni Ricky Lee. Ayon kay John Lloyd, labis na paghahanda rin ang ginawa niya para mabigyan ng justice ang role na ito.

Nagbigay rin daw ito sa kanya ng bagong commitment at challenges sa pagbabalik niya sa pag-arte. Kamakailan lang, kumalat sa social media ang larawan ni John Lloyd na nakasakay sa jeepney.

Matagal-tagal na rin simula nang makita si John Lloyd sa publiko, kaya naman maraming fans ang na-curious sa kalagayan ng aktor. Sa mga kumakalat na larawan, makikitang nakakabahala nga ang itsura ng aktor.

Sa mga kumakalat na pictures, mapapansing nakasuot ng t-shirt at shorts ang aktor. Mapapansin rin ang malaking sugat nito sa ulo at sa braso. Gayunpaman, nakangiti si John Lloyd at tila kumakaway pa sa kanyang mga fans na nasa labas ng jeepney. Hula ng mga fans ay para ito sa taping niya sa ‘Servando Magdamag.’

Dahil sa mga larawang ito, lalo pang naging interesante ang pelikulang ito. Sa ngayon ay nasa lock-in taping si John Lloyd sa Sorsogon.

Sa kabilang banda, excited na ang mga fans sa paglabas ng pelikulang ito ni John Lloyd. Matagal-tagal na rin ang nakalipas simula nang mag-star si John Lloyd sa isang pelikula.

Read Also: Residente sa Agusan del Sur, Ginagambala Daw ng Isang Sirena na Nangunguha Rin ng Bata

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment