"Julia, kabahan ka na!"- Netizens, Pinag-Iingat si Yam Concepcion kay Gerald Anderson Dahil sa Bagong Teleserye Nila

Kilala si Gerald Anderson sa pagiging batikang aktor sa industriya ng showbiz. Ngunit bukod sa kanyang mga projects, interesado rin ang fans sa love life ng 32-anyos na aktor. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na marami na ring naging ex-girlfriend ang matinee idol na ito. Bukod sa pagiging nakakakilig na leading man, talaga namang real-life charmer din si Gerald sa totoong buhay!

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming leading lady nito ang napaibig sa kanya. Isa na sa kanila ay si Julia Barretto, na nakatrabaho ni Gerald sa romantic film na “Between Maybes.”

Na-link rin si Julia sa hiwalayan ni Gerald at ni Bea. At kamakailan lang, inamin na ni Gerald ang relasyon nila ni Julia.

Read Also: Julia Barretto, May Gusto Nga Bang Patunayan Kay Bea Dahil sa Mirror Selfie na Ito?

Ngayon naman ay mayroong bagong kaabang-abang na project si Gerald kasama ang rising star na si Yam Concepcion. Matatandaang matagal na panahon na rin simula nang mag-star ang 32-anyos na aktor sa isang teleserye, kaya naman maraming fans ang excited na sa bagong proyektong ito.

Pagbibidahan ni Gerald at Yam ang bagong teleserye na talaga namang magpapainit sa gabi ng mga televiewers.

Silang dalawa ang magiging main cast ng “Init sa Magdamag.” Ayon pa sa ibang sources, makakasama ng dalawa si JM de Guzman. Mapapanood ito sa Kapamilya Online Live, iWant TFC, A2Z Channel, at TV 5.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-react sa bagong teleserye na ito. Ang iba sa kanila ay nagbiro at sinabing baka si Yam naman ang susunod na maging real-life partner ni Gerald. Ayon sa kanila, hindi raw malabong mangyari ito lalo pa’t halos lahat ng nakakapareho ni Gerald ay nakakatuluyan nito.

Silipin ang mga komento nila dito:

“Humanda na si Yam Concepcion!”

“Naku Julia kabahan ka na! Ibang-iba level ni Yam sayo. Baka maghanap si Gerald ng mas mature.”

“Si Yam hindi yan madali ma budol. Matalino at hindi marupok. Tsaka hindi yan basta basta pumapatol sa malalandi. Kung hindi lang kay Yam walang manonood sayo Gerald!”

“Alam na pagkatapos nitong palabas na ito, after 2 years, sila naman ni Yam Concepcion.”

Read Also: Dakilang Ama, Napagtapos ang Apat na Anak sa Pagtitinda ng Fishball at Palamig!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment