Caught on Cam: Sanggol na Naiwanan sa Loob ng Tren, Niligtas ng Mabuting Estranghero!

Para sa isang ina, wala na siguro ang mas nakakatakot pa ang mawalay sa iyong anak. Kahit sinong nanay ay gagawin ang lahat para lamang masiguradong nasa mabuting kalagayan ang kanyang anak. Ngunit paminsan-minsan, may mga hindi inaasahang insidente ang maaaring mangyari.

Katulad na lamang ng nangyari sa isang nanay na ito mula sa United States. Sa kanyang sobrang pagkabusy, hindi inakala ng nanay na ito na malalagay sa panganib ang kanyang anak! Nahuli ng CCTV camera sa isang train station ang buong pangyayari. Talaga namang kahit sinong nanay ay kakabahan sa insidenteng ito!

Read Also: Sikat na OPM Icon na si Claire dela Fuente, Tuluyan Nang Namaalam sa Edad na 62

Sa simula ng footage, makikita ang nanay na kasama ang kanyang sanggol na anak na nasa stroller. Nang huminto na ang tren, una munang isinakay ng nanay ang kanyang anak at bumalik ito upang kunin ang naiwan niyang bag sa platform. Ngunit paglabas niya ng tren, mapapansing may kausap ang nanay sa cellphone.

Makikita rin na tila ba nakikipagtalo ang babae sa kausap niya sa cellphone. Ilang segundo rin ang lumipas, at hindi niya namalayan na nagsara na pala ang mga pinto ng tren!

Agad namang nagpanic ang nanay at kinatok ng kinatok ang pinto, ngunit hindi na ito nagbukas at tuluyan na ngang umandar papalayo ang tren.

Sa loob ng tren, makikita namang napapansin na ng mga pasahero ang sanggol na naiwang walang kasama. Sa dami ng mga pasahero, iisang lalaki lamang ang naglakas loob na lapitan ang sanggol.

Tumingin muna siya sa paligid para makita kung may kasama ito, ngunit walang bantay ang sanggol. Kaya naman nagdesisyon ang lalaki na bantayan na lamang ito.

Sa wakas, matapos ang ilang minuto ay nakarating rin sa huling station ang lalaki. Akay akay niya pa rin ang stroller, at matyaga silang naghintay sa istasyon ng tren.

Maya’t maya pa, dumating na ang nanay at laking tuwa nito matapos makitang ligtas ang anak niya! Taos puso rin ang pasasalamat nito sa lalaki na talaga namang nag-effort upang masiguradong ligtas ang nawawalang sanggol.

Read More: Never-Before-Seen na Wedding Pictorial ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Pinagkaguluhan Online!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment