Kilala si Vice Ganda sa kanyang pagiging kwela sa harap ng kamera. Sa ngayon, isa si Vice sa mga pinakahinahangaang host at comedian sa Kapamilya network. Talaga namang nahuli na ni Vice ang kiliti ng maraming netizens at viewers. Isa rin siya sa mga regular hosts ng noontime program na “It’s Showtime.”


Ngunit sa totoong buhay, alam niyo bang may itinatago rin palang side si Vice? Sanay na tayo sa kanyang pala-okray na attitude sa telebisyon. Ngunit iilan lamang ang talagang nakakakilala sa attitude ni Vice sa totoong buhay. Kasama na rito ang kanyang mga kasambahay.
Read Also: Super Mommy! Anne Curtis, Naipagsasabay ang Workout at Pag-Aalaga kay Baby Dahlia
Kamakailan lang ay naglabas ng panibagong vlog si Vice sa kanyang Youtube channel. Dito ay nagkaroon siya ng heart-to-heart talk sa kanyang mga kasambahay. Sa kanilang question and answer portion, ibinunyag rin ng mga kasambahay ang totoong ugali ni Vice.


Ayon kay Vangie at Jacque, mabait na amo si Vice at parang pamilya na rin ang turing nito sa kanila. Hindi rin daw ito katulad ng ibang amo na madamot ang turing sa kanilang kasambahay. Ngunit madalas raw ay paiba-iba ito ng mood at mabilis magalit. Ayon kay Vangie, mabilis daw itong mainis.
Sa kabila ng lahat, hindi naman maitatanggi na mabuting amo si Vice sa kanyang mga kasambahay. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ilang taon na rin silang naninilbihan sa comedian. Ayon pa kay Vice, kahit pa lagi siyang nabibwisit sa kanila ay sinusuklian niya ito ng pagmamahal.

“Sobrang love nila ako kaya love na love ko sila… forever kaming family kahit lagi kaming nabubuwisit sa isa’t isa as in madalas pero ganu’n talaga ang family. Nagkakabuwisitan pero love namin ang isa’t isa,” sagot naman ni Vice.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na kwento o viral na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment