Never-Before-Seen na Wedding Pictorial ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Pinagkaguluhan Online!

Isang taon na rin simula nang ikasal ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. February 2020 nang pinag-isang dibdib si Sarah at Matteo sa isang private wedding sa BGC, Taguig City. Simple lamang ang seremonya, na ginanap sa loob ng Victory Church kung saan dumalo ang mga malapit na kapamilya ni Matteo.

Dahil pribado ang seremonya, walang masyadong larawan sa kasal ng dalawa. Maraming fans naman ng couple ang nag-aasam na makita ang mga wedding pictures ng mag-asawa. At ngayon, mukhang natupad na ang matagal na inaasam ng mga fans!

Read Also: Jon Gutierrez at Toni Fowler, Nagka-Initan sa Twitter Matapos Pumutok ang Isyu sa Muling Pambababae ni Jon

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Matteo ang kanilang post-wedding pictorial na ginanap matapos ang kanilang kasalan. Noong March 28, isang buwan matapos ang kanilang wedding anniversary, ibinahagi ni Matteo ang mga larawang ito.

Sa unang set ng mga photos, makikitang nakasuot ng white ensemble ang mag-asawa. Nakasuot ng white Filipiniana si Sarah, habang naka-uniporme naman na may badge ng private army reservist si Matteo. Simple lamang, ngunit talagang napakaromantic ng kanilang setting na tila nasa gitna ng kakahuyan!

Nagbigay rin ng napaka-romantic na mensahe si Matteo sa kanyang misis. Sa kanyang caption, cinongratulate ni Matteo ang successful na digital concert ni Sarah, na talaga namang inabangan ng mga fans.

“My wife and I would like to share with you something very special we did right after our wedding. I’m always super proud of you love. Congratulations for last nights show! INCREDIBLE! I love you so much. Thank you for being a ‘tala’ to everyone’s lives.”

Sa isang video na ibinahagi ng isang AshMatt fan, kita rin ang mga behind-the-scenes ng pictorial nina Sarah at Matteo. Mababakas ang tuwa at excitement sa mukha ng mag-asawa, lalo pa’t wala nang makakahadlang sa pag-iibigan nila ngayong kasal na sila.

Read More: Alex Gonzaga, Inalala ang Kontrobersya na Sinigaw-Sigawan Niya ang Ateng si Toni sa Backstage ng ASAP!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment