Sikat na OPM Icon na si Claire dela Fuente, Tuluyan Nang Namaalam sa Edad na 62

Sa kabila ng mga challenges na nangyayari ngayon, nagluluksa ang showbiz industry sa pagkawala ng isang bituin. Kamakailan lang, napabalita ang biglaang pagpanaw ng isang talentadong singer na talaga namang tumatak na sa puso ng mga Pilipino. March 30, Martes, nang pumanaw ang singer na si Claire dela Fuente.

Ayon sa scoop ng ABS-CBN news reporter na si MJ Felipe, pumanaw na ang singer sa edad na 62. Nanggaling ang malungkot na balitang ito mula sa composer-producer na si Jonathan Manalo. Ayon kay Manalo, ipinahatid sa kanya ang balitang ito mula sa mga malapit na kamag-anak ng singer.

Read More: Never-Before-Seen na Wedding Pictorial ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Pinagkaguluhan Online!

Si Claire dela Fuente ang isa sa mga pinakasikat na OPM icons sa Pilipinas. Ilang dekada ring namayagpag ang career niya bilang singer at songwriter. Kaya naman sa pagpanaw niya, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa social media.

Dahil sa kanyang angking talento sa pagkanta, madalas ring maipagkumpara si Claire sa mga sikat na international singers. Sa katunayan, binansagan rin siyang “The Karen Carpenter of the Philippine.” Sumikat ang mga hit songs niya na “Sayang,” “Nakaw na Pag-Ibig” at “Minsan, Minsan.”

Sa kabilang banda, hindi pa natutukoy ang totoong dahilan ng pagpanaw ng singer. Sa social media, maraming netizens naman ang talagang nalungkot sa balitang ito. Nagpahayag rin sila ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na singer:

“Rest in peace, Claire dela Fuente! Condolence to her family!

“Condolence to the bereaved family of icon Claire Dela fuente may she rest in peace.”

“Rest in peace po idol claire maraming salamat po sa musika na inyong pinauso….condolence po sa inyong buong pamilya.”

Read Also: Jon Gutierrez at Toni Fowler, Nagka-Initan sa Twitter Matapos Pumutok ang Isyu sa Muling Pambababae ni Jon

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment