Para sa mga artista at iba pang public figures, mahalagang maging presentable sila lagi sa publiko. Puhunan nila ang kanilang itsura at talento, kaya naman pinapangalagaan nila ang kanilang panlabas na kaanyuan. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming artista ang sumasailalim sa iba’t ibang procedures para lamang ma-maintain ang kanilang ganda.
Isa sa mga pinaka-common na non-invasive procedure ay Botox, kung saan magi-inject ng Botox sa iyong mukha upang mabawasan ang wrinkles. Talaga namang uunat ang iyong mukha kapag may Botox. Ngunit kapag nasobrahan ka naman nito, madali itong mahalata dahil unat na unat ang iyong mukha.

Ito daw ang nangyari sa isang batikang aktres, ayon sa report ng Bandera. Sa isang blind item, ibinahagi ng Bandera na umaani ngayon ng atensyon ang isang female celebrity dahil sa kanyang mukha. Sa isang teleserye, pansin daw ng mga viewers ang malaking pagbabago sa mukha ng aktres.
Dati raw ay magaling itong umarte, kaya naman bida ito lagi sa mga teleserye at pelikula. Ngunit ngayon, hindi mapigilang mapansin ng mga viewers na tila ba hirap na hirap sa pag-emote ang aktres. Kapansin-pansin rin daw na tila ba unat na unat ang mukha nito.

Dahil dito, umugong ang bali-balita sa social media na baka nagpa-Botox ang naturang aktres. Kung totoo man ito, hindi na ito nakapagtataka dahil dati na rin itong sumailalim sa iba’t-ibang procedures, lalo na sa labi nito. Ngunit sa pagkakataong ito, mukhang nasobrahan na raw, ayon sa mga fans.
Sa kabila ng lahat, hindi pa rin maipagkakaila ang ganda ng aktres. Ngunit may mangilan-ngilan ring fans ang nababahala sa kalusugan ng aktres. Dati ay umani ito ng reaksyon sa social media matapos ibunyag ang kanyang nakakagulat na transformation.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment