Alden, Mananatili pa nga bang Kapuso? Ito na ang Status ng Kontrata Niya Ngayon!

Isa si Alden Richards sa mga pinakahinahangaang aktor sa Kapuso network. Bukod sa kanyang taglay na kagwapuhan, hindi rin maipagkakaila ang talento ni Alden sa pag-arte. Kaya naman kahit saang role siya mapunta, paniguradong mabibigyan ito ni Alden ng justice. Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit isang mahalagang asset si Alden para sa Kapuso network.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang status ng kontrata ni Alden sa GMA Network. Umuugong na ang balita na mukhang lilipat na rin si Alden sa ibang network, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito confirmed. Ayon sa ibang fans, mukhang hindi na exclusive na Kapuso si Alden dahil wala na rin itong regular project sa GMA 7.

Read also: Natural o Photoshop? Kilalanin ang Babaeng May Pinakamaliit na Bewang sa Buong Mundo!

Sa social media, maraming fans rin ang nagtatanong kay Alden kung may balak ba itong lumipat ng ibang network. Ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng aktor pagdating sa usapan sa kanyang kontrata.

Maaalalang dati ring nakipagtambalan si Alden Richards sa isang Kapamilya actress. Naging highest-grossing Filipino film ang “Hello Love, Goodbye” na pinagbidahan ni Alden at Kathryn Bernardo. Ngayon naman ay mayroong panibagong project si Alden kasama ang isang Kapamilya star!

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang excited sa tambalan nila Alden at Bea Alonzo! Ito ang kauna-unahang beses na makakatrabaho ng aktor si Bea, na nasa Kapamilya network. Si Bea rin ang itinuturing na blockbuster queen ng ABS-CBN, dahil sa kanyang mga hit na pelikula. Ilang leading man na rin ang nakapareha ni Bea, ngunit first time niya lamang makakatrabaho si Alden ngayon.

Bibida si Bea at Alden sa upcoming movie na “A Moment to Remember.” Mukhang kaabang-abang talaga ang pelikulang ito, dahil bukod sa napakagandang istorya, tatlo rin ang main producers ng film, kasama ang GMA, Viva Films, at APT Entertainment. Kahit pa remake lamang ito, paniguradong papatok ang love team nila sa takilya.

Read also: Netizen, Sinupalpal si Ellen at Derek Matapos Di Umanong Bastusin si John Lloyd sa Harap Mismo ng Anak Nila!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment