Gerald, Aminadong Naging 'Toxic' Ang Relasyon Nila ng Ex-Girlfriend na si Bea Alonzo

Isa sa mga pinakabonggang jowa reveal ngayong 2021 ay ang relasyon nila Gerald Anderson at Julia Barretto. Matapos ang ilang buwan na pagde-deny, kamakailan lang ay ibinunyag ni Gerald ang relasyon nila ni Julia. Sa kanyang tell-all interview kasama si Boy Abunda, inamin ng Kapamilya aktor na si Julia ang babaeng nagpapasaya ngayon sa buhay niya.

Bukod pa dito, nag-open up rin ang 31-anyos na aktor tungkol sa nakaraang relasyon niya kay Bea Alonzo. Bago pa man siya ma-link kay Julia ay karelasyon na niya si Bea, ngunit inakusahan siya ni Bea ng ‘ghosting.’ Ayon sa aktres, bigla na lamang nanlamig si Gerald sa kanya matapos nitong makasama si Julia sa isang pelikula.

Read Also: “Jowa Reveal of 2021”- Gerald Anderson, Ibinunyag na si Julia Barretto ang Babaeng Nagpapasaya sa Kanya Ngayon

Matapos ang ilang buwang pananahimik, nagsalita na rin si Gerald tungkol sa isyung ito. Sa kanyang interview, ibinahagi ni Gerald na hindi na maganda ang pinatutunguhan ng relasyon nila ni Bea dati. Kahit pa mahal nila ang isa’t-isa, nagiging ‘toxic’ na raw ang pagsasama nila.

“Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpakita kahit kailan. Or is it walking away from a very unhealthy, toxic — not saying na siya yung toxic — ako yung toxic but being together, we were very toxic and di na-re-respect yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after month and month of being on the rocks.”

Sa kabilang banda, tila nagparinig naman si Bea sa Instagram matapos aminin ni Gerald na may relasyon nga sila ni Julia. Sa IG post ng aktres, idinetalye ni Bea na ang tamang oras lamang ang talagang magsasabi ng katotohanan. Matatandaang ilang beses ring dineny ni Julia at Gerald ang kanilang relasyon, kahit pa ilang beses na silang nakikitang magkasama.

“Here’s to time! Time that is best spent wih family, time that heals all wounds, and time as the ultimate truth teller,” pahayag ni Bea sa Instagram. Sa ngayon ay napapabalitang may relasyon ang aktres sa isa pang Kapamilya star na si Dominique Roque.

Read Also: Alden, Mananatili pa nga bang Kapuso? Ito na ang Status ng Kontrata Niya Ngayon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment