Naaalala niyo pa ba si Wowie de Guzman? Kung ikaw ay 90s kid, paniguradong na-inlove ka rin sa dating idol na ito! Si Wowie ang isa sa mga pinakahinahangaang male personality dati sa showbiz. Bukod sa kanyang angking talento sa pag-arte, magaling ring sumayaw at kumanta si Wowie, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming babae ang nabighani sa kanya.
Ngunit sa kabila ng kasikatan, mas pinili ng aktor na mag-focus sa kanyang personal na buhay. Ikinasal siya sa kanyang long-time partner na si Sheryl Ann, at di nagtagal ay lumaki pa ang kanilang pamilya. abiyayaan ang couple ng isang malusog na baby. Ipinanganak ni Sheryl Ann ang kanilang baby girl noong 2013.

Read Also: Gerald Anderson, Kinilig sa ‘Sweet Suprise’ ni Julia Barretto Para sa Kanyang Birthday!
Sa kasamaang palad, ilang buwan matapos ipanganak ang kanilang anak ay pumanaw rin si Sheryl Ann noong 2014. Labis na dinamdam ni Wowie ang pagkawala ng kanyang partner. Sa kabila ng kalungkutan at pagdadalamhati, mas pinili niyang maging matatag para sa kapakanan ng kanilang anak.
Hindi madali ang magpalaki ng anak, lalo pa’t kung mag-isa ka lang. Kung maliit pa ang iyong anak, talagang kakailanganin mo ng kaagapay sa pagpapalaki sa kanya.
Sa kabila ng lahat, buong-loob na tinanggap ni Wowie ang responsibilidad na ito sapagkat siya na lamang ang natitirang magulag ng kanyang anak.


Magmula ng pumanaw ang kanyang asawa ay naging hands-on na tatay si Wowie. Mas pinili ng dating aktor na mag-focus sa kanyang anak, kaysa maghanap ng bagong kapareha.
Mahirap man ang solo parenting, worth it naman lalo na’t tuwing nakikita niya na lumalaking mabuting bata ang kanyang unica hija.
Paminsan-minan ay naggu-guest pa rin si Wowie sa mga TV shows. Maraming netizens rin ang humahanga sa katatagan nito sa buhay! Sa mga larawan nila sa social media, makikita na talagang malapit si Wowie sa kanyang anak.
Read also: Pauleen Luna, Ibinahagi ang Malubhang Sakit na Matagal na Niyang Itinatago


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment