Protective Jowa: Vice Ganda, Handang Makipagsapakan sa mga Lalandi kay Ion!

Sa ilang taong relasyon ni Vice Ganda at Ion Perez, talaga namang mas lalong napatatag ang pagsasama nila. Magtatatlong taon na ring magkarelasyon ang dalawa. Nagkakilala lamang sila sa “It’s Showtime” bago tuluyang umusbong ang pag-iibigan nila. Sa ngayon ay masayang naman ang pagsasama nilang dalawa.

Ngunit hindi rin maiwasan na maraming fans ang mag-message kay Ion sa social media. At paminsan-minsan, nakakatanggap rin daw ito ng flirty texts mula sa mga nagtatangkang akitin ito! Ano naman kaya ang reaksyon ni Vice Ganda sa mga taong nagtatangkang lumandi sa kanyang boyfriend?

Read Also: Tom Rodriguez at Carla Abellana, Bakit Nga Ba Itinago ang Secret Engagement Mula sa mga Fans?

Sa isang interview, ibinuking ni Vice ang reaksyon niya sa mga ganitong klaseng mensahe na natatanggap ni Ion. Ayon sa comedian, open naman sa kanya si Ion. Sa katunayan, ipinapabasa pa ni Ion ang mga mensaheng natatanggap niya kay Vice.

“Anong ginagawa ko pag may umaawra kay Ion? Depende. Depende kung anong awra tsaka depende kung anong mood ko. Minsan tumatawa lang ako, natatawa ako kasi minsan si Ion pa nagsasabi sakin kunyari may nagme-message sa kanya. Papabasa niya sakin,” pahayag ni Vice.

Ayon kay Vice, nakadepende sa mood niya kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga nanlalandi kay Ion. Kadalasan ay hinahayaan at tinatawanan niya lang daw ito. Ngunit kapag nasa bad mood siya ay kinokompronta niya ang iba.

“Depende, pag happy ako tatawanan ko lang. Pero kapag bwisit ako, ay day, good luck. Hindi ako mapagbigay sa jowa ano, tama na. Ang akin ay akin. Kokrompalin, mananapak, ganun. Pwede namang manakit tapos pag sumobra yun sakit eh di pasensya.”

Read Also: Independent Woman! Ivana Alawi, Hindi Ipinagkaila ang Trabaho Niya Dati Bilang Waitress sa Bahrain

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment