Solenn Heussaff, Ipinamalas ang Kanyang Angking Talento Hindi Lang sa Pag-Arte, Kundi Pati sa Pag-Pinta!

Isa si Solenn Heussaff sa mga pinakahinahangaang aktres sa industriya ng showbiz. Ngunit bukod sa kanyang pagiging magaling na artista, alam niyo bang isang talentadong pintor rin si Solenn? Sa katunayan, bukod sa pag-arte ay may angking galing rin si Solenn pagdating sa modeling, interior design, at painting. Kadalasan ay ibinabahagi niya rin sa social media ang kanyang mga obra maestra.

Sa kabila ng napakagandang painting ng aktres, aminado siyang hindi rin ito naging madali. Dahil sa kanyang hectic na schedule, tuwing weekends lamang siya nagkakaroon ng oras para magpinta.

Ngunit sulit namang ang kayang sakripisyo at paghihirap, dahil talagang napakaganda ng kinakalabasan ng kanyang mga obra!

Read Also: Super Mommy! Anne Curtis, Naipagsasabay ang Workout at Pag-Aalaga kay Baby Dahlia

Ayon kay Solenn, humuhugot siya ng inspirasyon mula sa mga taong nakakasalamuha niya sa pang-araw araw na pamumuhay niya, o tuwing nagbabakasyon sila abroad.

Mas komportable rin daw siyang magpinta ng mga tao kaysa sa mga tanawin. Dagdag pa ng aktres, nais niyang ilagay sa canvas ang mga emosyon na nakikita niya sa mata ng isang tao.

“I’m the type of person that when I travel, I like to discover the city by the streets instead of going to the fancy places. There’s so much more going on there instead of going to the fancy places. It’s always been such a passion for me to paint people that have a lot of soul, those who look like they’ve been through a lot.”

Kamakailan lang ay umani ng batikos si Solenn matapos magbahagi ng kanyang photoshoot sa Instagram. Sa nasabing larawan, makikitang nakaupo si Solenn at ang background niya ay isang tropical painting at carpet. Ngunit sa kanyang likuran, kapansin-pansin na sa isang squatters’ area nila ginanap ang photo shoot.

Maraming netizens ang nag-akusa na rino-romanticize ni Solenn ang kahirapan ng maraming Pilipino. Itanggi naman ito ng aktres. Sa Instagram, humingi siya ng tawad sa mga taong na-offen niya dahil sa photo shoot.

Nilinaw rin ni Solenn na nais niya lamang ipakita ang ibang aspeto ng lipunan sa Pilipinas, at hindi niya intensyong manghamak ng kahit sinong tao.

Read Also: “Ultimate Plantita of Social Media”- Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Loob ng Kanyang ‘Paradise’ Garden!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment