Doktor na Nagbigay ng Pera sa Mahirap na Pasyente, Laking Gulat Matapos Makatanggap ng Sobre Mula Dito!

Kamakailan lang ay ibinahagi ng isang ‘doctor to the barrios’ ang nakaka-inspire na ginawa sa kanya ng kanyang pasyente. Ayon kay Dr. Alfie Calingacion, anim na buwan na ang nakakalipas ay nagbigay siya ng pera sa kanyang pasyente na walang pambili ng gamot. Ngunit nagulat na lamang siya ng bumalik ito makalipas ang ilang buwan, hindi para magpa-check up ulit, kundi para magbayad!

“I had a patient who had no money for the medications I prescribed. So I gave him money. This happened last year, I even forgot his name and face already.

Surprisingly, approximately six months later, he came back sa health center. I thought he was there for another medical consult, but he handed me a piece of folded paper and inside was the money.” pahayag ni Dr. Calingacion.

Read More: Gerald, Aminadong Naging ‘Toxic’ Ang Relasyon Nila ng Ex-Girlfriend na si Bea Alonzo

Ayon pa sa kanya, nagulat daw siya matapos buksan ang envelope at makita ang laman nitong pera, kasabay ng sinabi ng pasyente na, “Doc, mobayad ko sa akong utang nimo.” Hindi raw inaasahan ni Dr. Calingacion na babayaran ito ng kanyang pasyente kahit pa ilang buwan na ang lumipas.

Sa mga pampublikong health centers, nakaugalian na ang pagbabahagi ng libreng gamot sa mga pasyente. Ngunit paminsan-minsan ay nauubusan daw sila ng stock.

Sa kaso ng pasyenteng ito, ibinahagi ng doktor na alam niyang wala itong kakayahang bumili ng gamot noong mga oras na iyon, kaya naman hind8i siya nagdalawang isip na bigyan ito ng pera.

“It just so happened that we don’t have supply anymore of the intended/appropriate medications for him. Then knowing he won’t be able to buy them, I gave him money without the intention of him paying back.

All I wanted was really for him to get better. Alam mo yung feeling na yung people who struggle financially, sila pa ‘yong may pure heart.”

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang naantig sa kwentong ito. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 101,000 reactions and 13,000 shares ang post ng Philippine Star. Maraming tao rin ang humanga sa kabutihang loob ng nasabing doktor, na handang tumulong sa kanyang pasyente ng walang kapalit.

Read Also: Alden, Mananatili pa nga bang Kapuso? Ito na ang Status ng Kontrata Niya Ngayon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment