Ayon nga sa kasabihan, edukasyon lamang ang tanging maipamamana sa iyo ng iyong mga magulang na hindi maaangkin ng kahit sino man. Kaya naman kahit pa mahirap ang buhay, araw gabi kumakayod ang mga magulang upang mairaos ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Lahat ng sakripisyo at pagtyatyaga ay ginagawa nila para lamang masiguradong magkakaroon ng maginhawang buhay ang mga anak nila.
Kaya naman kahit may edad na sila, kumakayod pa rin ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Isa na sa kanila ay ang matandang lalaki na ito, na kahit pa may edad na ay hindi pa rin tumitigil sa pagtitinda ng fishball. Sa pamamagitan ng kanyang hanapbuhay ay napagtapos niya ang kanyang apat na anak!

Read Also: Silipin ang Bonggang Mansyon ni Derek Ramsay na Mayroong Sariling Elevator sa Loob!
Maraming netizens ang talagang bumilib sa kwento ng dakilang ama na ito, na hindi tumigil sa pagsisikap para lamang mairaos ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Ibinahagi ni Girlie Versoza kung gaano kasipag at kabuti ang mga magulang niya. Ayon kay Girlie, napagtapos silang apat na magkakapatid sa pamamagitan ng pagtitinda ng fishball ng kanyang ama.
“Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko. Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis. Maraming panghihiya ang pinaraya. Maraming araw na tirik man ang araw, tiniis pa rin kahit nahihilo na. Puyat at pagod na, pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral,” pahayag ni Girlie sa kanyang viral na Facebook post.

Bukod daw sa pagsuporta nito, lagi rin daw silang pinapabaunan ng pangaral ng kanilang mga magulang. Dati raw ay nakakaranas ng pambu-bully sila Girlie at ang kanyang mga kapatid dahil nagtitinda ng fishball ang kanilang ama.
Gayunpaman, pinayuhan sila nito na wag ikahiya ang kanyang hanapbuhay dahil marangal ito.
“‘Anak, kung meron ka wag mo ikahiya. Wag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao. Maging natural ka lang,'” ito raw ang madalas na payo sa kanya ng kanyang tatay.
Kaya naman ngayong nakapagtapos na silang magkakapatid, nangako rin si Girlie na susuklian nila ang kabaitang ipinakita ng kanilang mga magulang.


Read Also: Larawan ni John Lloyd Cruz na Sugatan sa Loob ng Jeep, Umani ng Reaksyon sa Social Media!
Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment