Sa ngayon ay umabot na ng 15 million views ang latest prank ni Ivana Alawi sa Youtube. Nitong nakaraang linggo lamang ay nagsagawa ang 24-anyos na star ng isang social experiment kung saan nagpanggap siyang pulubi at humingi ng tulong sa mga nakasalubong niya. Bilang kapalit ay binigyan rin ni Ivana ng gantimpala ang mga taong tumulong sa kanya.
Dahil dito, maraming tao ang talagang natuwa sa bagong video ni Ivana dahil marami na naman siyang taong natulungan. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit agad itong nag-viral sa social media. Gayunpaman, mukhang hindi lahat ng tao ay masaya dahil sa social experiment na ito.

Read More: Ivana Alawi, Ipinag-Shopping at Niregaluhan pa ng Motor ang Kutsinta Vendor na Tumulong sa Kanya!
Isa na sa kanila ay ang abogadong ito, na pinuna ang ginawang social experiment ni Ivana. Si Atty. Libayan ay mayroon ring Youtube channel na Batas Natin. Sa kanyang latest video, ibinahagi ng abogado na dahil sa prank na ito ni Ivana ay isang paglabag sa batas! Paano naman kaya nangyari ito?
Ayon kay Atty. Libayan, kailanman ay hindi krimen ang pagtulong sa mga nangangailangan. Gayunpaman, kailangan rin nating ilugar ang ating pagtulong.
Sa ginawa raw ni Ivana Alawi ay maaari itong makasuhan dahil nilabag niya ang Anti Mendicancy Law. Ito raw ang batas na nagbabawal sa paghihingi at pagbibigay ng limos.


Ayon pa dito, kahit maganda ang hangarin ni Ivana ay maaari nitong mahikayat ang ibang tao na gawin rin ang kanyang prank. Dahil dito, maaaring mas marami pa ang lumabag sa Anti Mendicancy Law.
Ngunit bakit nga ba si Ivana lamang ang napansin ni Atty. Libayan, kahit pa maraming vloggers naman ang gumagawa ng prank na ito?
Nilinaw ni Atty. Libayan na hindi niya pinepersonal si Ivana, bagkus ay nais niya lang i-inform ang mga tao tungkol sa batas. Ayon pa sa kanya, si Ivana ang napili niyang gawing example dahil ang vlog nito ang may pinakamaraming views sa lahat.


Read Also: Netizens, Pinag-Iingat si Yam Concepcion kay Gerald Anderson Dahil sa Bagong Teleserye Nila
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment