Sa social media, umuugong ang usap-usapang buntis daw ang aktres at host na si Maja Salvador. Ayon sa ibang netizens, talagang nakakapagtaka kung bakit laging may bitbit na baby bag ang aktres. Sa kanyang latest na vlog, ibinunyag naman ni Maja ang totoong dahilan kung bakit lagi siyang mayroong baby bag! Itinanggi rin ng aktres ang bali-balitang buntis siya.
Ayon kay Maja, dati ay mas marami pa siyang dala na bags. Kahit saan siya magpunta, bitbit daw ni Maja ang kanyang mga bags na naglalaman ng mga daily essentials niya.
Ngunit ngayong nagkaka-edad na siya, nahihirapan na rin ang aktres na magbitbit ng marmaing bags nang sabay-sabay, kaya naman mas pinili niyang magdala na lamang ng baby bag.


“Sign of aging na rin. Kailangan ko nang mag-iba ng style na may maliit na lang akong bag tapos kung ano ‘yung puwede kong iwan sa car, iwan ko na lang. Meron akong dalawang bag pero wala akong mga panty at bra diyan, walang extra clothes, iba ‘yung usapan, na ‘yun, ‘what’s in my maletas ‘yun,” pabirong sabi ni Maja.
Sa kanyang bag reveal, ibinahagi rin ni Maja ang mga essentials na lagi niyang dala. Hindi lamang daw ito para sa kanya, kundi para na rin sa mga furbabies niya.
Hindi na rin lingid sa kaalaman ng mga fans na talagang mahal na mahal ni Maja ang mga alaga niyang aso, na tinuturing niya na ring anak.

“Pag aalis talaga ako ng bahay dapat kasama ko at laging nasa kotse , bilang may anak na lagi kang may bitbit na diaper, suklay, cologne, lysol wipes hand and body wipes para pag nag-poop, another suklay tangled brush, toy, leash pero gusto laging kinakarga, food on the go, puppy trainer at wiwi pads, naubusan na at saka kung saan siya pupupu ikaw ang pi-pik-ap ganu’n.”
Ayon sa aktres, mas maganda na ang ready lagi sa kahit anong posibleng mangyari. Ito rin ang dahilan kung bakit laging puno ang kanyang bag!
Read also: Andi Eigenmann, Proud sa Mag-Amang si Ellie at Jake Matapos Bumida sa Isang Magazine


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment